Chapter 14

880 32 0
                                        

Shienna's POV

Napapayag ko na sina Shino at Brie na kausapin ako mamaya. Hindi ko pinaalam sa kanila na tatlo kaming mag-uusap-usap. Ang akala ni Brie ay kami lang na dalawa, ganon din si Shino. Mas mabuti ng magsinungaling ako para mapapayag ko sila. Mas maganda kasi kung tatlo kaming maghaharap-harap. Gusto ko na talaga silang makasama, gusto kong maibalik yung dati naming samahan. Sana lang pwede pa. Medyo kinakabahan din ako kasi hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap namin mamaya. Sana lang maintindihan nila ako. Sana paniwalaan pa nila ako kapag sinabi ko na sa kanila ang mga katotohanan kung bakit ginusto kong masira ang samahan namin noon. Napakalaking mali ang nagawa ko, sinira ko ang pagkakaibigan namin dahil lang sa isang makasariling layunin. Sana mapatawad pa nila ako.

Bumalik na ako sa room namin kahit na wala pa namang klase dahil kasalukuyang busy na ang mga teachers ng buong University sa paghahanda sa magaganap na Showcase. Sa Saturday na kasi yon, at Monday na ngayon. Pero sa bagay. Ba't nga ba ang aga nilang magprepara? Eh halos 1 week pa naman ah? "Mga excited? Porket first showcase to ngayong taon eh!" Maya-maya ay tila may tao akong naramdaman sa likurang bahagi ng room. Ang akala ko mag-isa lang ako dito? Nasa galaan kaya halos lahat ng classmates namin? Lumingon ako para makita kung sino ang taong nasa likurang bahagi ng row ng mga boys at nakita ko si Vien na nakayuko sa arm chair nito. "Eh? Narito pala tong cutie lips na to? Teka ba't kaya ang loner ng isang to? Parang laging may sariling mundo? Suplado pa!" Gusto ko sana itong kausapin kasi alam ko namang hindi ito natutulog kahit na nakapikit ito pero nag-alangan naman ako. Nakasuot sa magkabilang tenga nito ang headset nito. "Baka hindi ako marinig at hindi ako pansinin, mapahiya pa ako! Suplado kasi! Crush pa naman kita!" Napangiti ako sa naisip ko. Biglang may pumasok sa room.

"Oh Shie! Andyan ka pala?" Sina Eumee at Myrtel lang pala. Ang mga maldita kong kaibigan. Ewan ko kung bakit ko naging kaibigan tong mga to. Pero mababait din naman sila kahit mga maldita.

"Ahy wala pa! Picture pa lang to! Di pa ako to!" Sarcastic kong sagot.

"Hahaha! Ito naman!" Hinampas ako ni Myrtel sa braso ng maka-upo ito sa tabi ko. Umupo rin si Eumee sa kaliwang tabi ko naman. Wala pa naman kasi yung tunay na naka-upo dito kasi wala ngang klase. Puro Vacant kadalasan ang mga subjects namin ngayon. Bihira lang ang nagka-klase.

"Wag nga kayong maingay! May nagpapahinga dun oh!" Bulong ko sa mga ito. Nilingon nila ang tinutukoy ko.

"Ah, naka headset naman eh di tayo maririnig nyan! Kala ko naman kung sino. Si Cutie Lips mo lang pala!" Natatawang sabi ni Eumee.

"Ah-rrayy!" Kinurot ko ito sa tagiliran na ikinasigaw nito.

"Ang ingay mo talaga!"

"Eh kinurot mo kaya ako!"

"Uy teka, diba may Showdown sila ni Alex mamaya?" Singit ni Myrtel.

"Oo nga pala no? Nakita ko nga si Alex kanina sa practice room mag-isa lang, todo practice na sa pagkanta eh!" -Eumee

"Masyado naman kasing insecure yung isang yun! Magaling din naman sya talaga. Hindi maitatanggi yon. Kaya nga sa Section one sya nailagay eh. Pero sa range ng boses, lamang talaga si Vien sa kanya no!" Kumento ko.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon