Chapter 7

1.2K 28 0
                                    

Brie's POV

"Good morning Dreamers!" Bati ni Sir Perez na kapapasok pa lang ng room. Agad namang nagsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang lahat na kanina alang ay napakaiingay at magugulo.

"Good morning Sir Perez!" Sabay-sabay nilang bati. Oo sila lang, hindi ako sumali, wala ako sa mood.

"Okay I would like to tell you that I will be one of your Teachers of this Semester!" Announced nito.

Nag-umpisa na syang magturo, na actually ikinaboring ko talaga. Pero syempre nakinig at nag-aral pa rin naman ako. Napansin ko sina Shienna at Shino na panay ang lingon sa akin. Nahahati nga pala sa 2 Rows ang sitting arrangement ng room namin. First Row from the Door ay ang upuan ng mga girls, and the second row ay ang boys. Nasa harapan ang upuan ni Shienna, ikalawa mula sa gilid. Ako naman nasa ikatlong hanay mula sa hanay nina Shienna. Bale 15 girls lahat. At nahahati sa tig-5 ang bawat hanay. Nasa panghuli akong hanay at pinakagitna ng linya namin.

Sina Shino at Nate naman ay isang upuan lang ang pagitan at pareho silang nasa unang linya.
Binalewala ko ang mga ito. Ilang subjects na ang natapos at 11am na, means Breaktime na. Patayo na ako ng hawakan ako ng katabi ko.

"Hi Brie! My name is Cindy!" Nakangiti nitong sabi.

"Ah, pano mo nalaman name ko?" Nagustuhan ko namam ang aura netong isang to. Mukha naman syang masiyahin at mabait.

"Napanood ko kahapon ang audition nyo ng kasama mo. Napakaganda ng boses mo. Nagustuhan ko ang blend ng boses nyong dalawa." Lumabas na kaming dalawa ng room. Ilang saglit lang ay sumabay din saamin si Nate.

"Oh hi! My name is Cindy!"

"Nice to meet you Cindy. Im Nate!" Pagdaan namin sa Dance Department ay may sumabay din saming isa pang kalog din na babae.

"Cindeeeyyyy!" Sumisigaw ito habang papalapit.

"Grabbeehh ang bait talaga nyaaa! Ang wafu-wafu paaa! Buti na lang naitali ko ng mahigpit Undie ko! Kung hindi baka nahulog naaa!" Natawa talaga ako sa sinabi nito maging si Nate napangiti rin. Tila hindi kami nito napansin.

"Ahy ano ba yan Pey, may mga kasama ako oh! Di mo man lang ba sila babatiin?" Sabi ni Cindy.

"Aahyy! Ba't may kasama kang Prinsesa at Prinsipe? Damma ka na ba ngayon? Hi sa inyo!" Biro nito at kumaway saamin ni Nate.

"I'm Peyton!"

"I'm Brianna!"

"I'm Nate!"

"Nice to meet you!"

"Nice to meet you too!"

"Oy teka, okay lang ba sa inyo kung sabay-sabay na lang tayong kumain. Share na lang tayo sa isang Table?" -Peyton

"Ah oo naman bakit hindi. Mas masaya kumain pag marami kang kasama." Sagot ko.

Pagdating sa Restaurant ng University ay nakita naming marami na palang tao.

"Uhmm, marami na palang tao." Malungkot na sabi ni Cindy.

"Pano tayo neto makakakain eh wala na tayong mapupwestuhan?" -Nate

"Pero hindi tayo pwedeng maghintay ng matagal, 30 minutes lang break natin diba?" -Peyton.

"Hi girls!" Biglang may lumapit sa aming isang lalaki. "Uhm cute tong isang to uh? Mukha syang Korean Dancer kung mamorma."

"Oh High Xanjieee!" Tila nangigigil na sabi ni Peyton.

"Hi!" Bati ni Cindy.

"Hindi pa ba kayo kakain?" -Xanjie

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon