Chapter 30

673 20 11
                                        

A/N:

Hello sa lahat! May liliwanagin nga po pala ako ulit xoxo😅...
Sure napansin nyo po yung magulong part dun sa Chapter 7-8... Yung sa punishment po... Si Nate, magulo yung pagkakasulat ko sa kanya. Kaya salamat kay sinnerssins dahil pinuna nya yon, salamat talaga!!! Kaya nga gustong-gusto ko po sana na pupunain nyo yung mga failure ko sa story na to para ma-ayos agad... Anyway, tapos ko na po syang i-edit, yung chapter 8, dinamay ko na rin ng konti yung 9, kung pano na-isali si Shino... Kung hindi po nagbago jan sa library nyo, paki-remove po muna ng book na ito at i-add nyo na lang ulit para makita nyo po yung mga binago ko... Pero pwede rin namang hintayin niyo na lang po matapos tong story bago niyo i-refresh, kasi gaya nga po ng nasabi ko na, isasa-ilalim ko po ito sa editing para naman may hustisya yung pagbabasa ng nga readers, nakakahiya po talaga 😅... Anyway thanks po ulit...

------------------------------------------------------
Author's POV

"Shienna this is enough! Let's go home!" Yaya ulit ni Vien sa patuloy pa ring umiindak na si Shienna. Iniyakap nito ang dalawang kamay nito sa batok nya na ikinagulat nya. Shit! Saisip nya. Tila hindi na nito alintana ang mga tao sa paligid.

"S-shien-nna!" Bulalas nya. Mas lalo pang tumindi ang init na nararamdaman nya. This is not right! Pinilit nyang tanggalin ang mga braso nito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakayapos nito sa kanya.

"Let us enjoy this night Vien! Ayaw mo namang umuwi eh! Sabayan mo na lang ako!" Sagot nito na nakatitig sa mga mata nya habang patuloy pa ring sumasayaw.

"Pero-

Hindi na natapos ni Vien ang sasabihin nya ng itapat ni Shienna ang isa nyang daliri sa labi ni Vien.

"Pssh!" Anito at malagkit na tinitigan si Vien sa mga mata.
At ilang saglit lang ay mabilis na inangkin ni Shienna ang mga labi ni Vien na hindi na nakakilos dahil sa pagkabigla. Ilang saglit lang ay tinangka nyang ilayo si Shienna. Pero hindi na rin niya kinaya ang sobrang init na kanyang nadarama kung kayat nadarang na rin sya. Nagmamadali silang kumuha ng isang kwarto sa building na iyon at nag-check in. Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila ay itinuloy nila ang naputol na bagay na kanilang ginagawa kanina. Dinama nila ang buong katawan ng bawat isa. Isa-isa na ring nahuhulog sa sahig ang bawat saplot mula sa kanilang mga katawan, hanggang sa makarating sila sa nag-iisang kama sa kwartong iyon. Walang salita ang namutawi sa kanilang mga labi habang dinadama nila ang init ng silakbo ng kanilang mga damdamin. Inihiga ni Vien si Shienna, at ang mga sumunod na nagyari ay tanging ang apat na sulok na lamang ng kwartong iyon ang naging saksi sa magdamag na pagniniig ng dalawang nilalang na nadarang.

Shienna's POV

Nang magkamalay ako ay agad akong napabangon kasabay ng pagmulat ng aking mata. Agad kong kinapa ang parteng iyon ng aking katawan at dama ko pa rin ang mumunting kirot nito.

"A-an-no nanam-an ang nagawa ko?" Mabilis na naglandas ang luha mula sa kanyang mata. Nakita nya sa sahig ang nagkalat na mga damit, at napakapit sya ng mahigpit sa kumot na nakatakip sa kanyang katawan. Dahan-dahan syang lumingon sa kanyang tabi at nagimbal sya sa nakita.

"Kk-kung g-anon, hindi nga panaginip lamang ang lahat!" Mas lalo pang dumami ang aking luha ng mapagtanto ang panibagong kasalanang nagawa ko. Naalimpungatan naman si Vien at mabilis ding umupo sa ibabaw ng kamang iyon.

"Sh-shienna!" Anito at humawak ito sa aking balikat.

"A-ano ang ginawa natin Vien?!" Umiiyak kong tanong.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon