Chapter 12

898 42 2
                                        

A/N:

Sorry sa mabagal na UD huh???

Oui, ask ko lang... Totoo bang pinagpipilian ng ABS-CBN ngayun yung Montello High at HU para gawing Movie??? Kung totoo sana HU ang mapili no? Para maiba naman...😀 Kayo alin sa anyo??? Any thoughts??

------------------------------------------------------
Cindy's POV

"Good Morning Everyone!" Bati ni Sir Daeo pagpasok pa lang niya sa room. Agad namang nagsitayo ang lahat at gumanti ng bati sa bagong dating na guro.
Ayan ang nagustuhan ko kay Sir eh, masiyahin at mabait, kaya naman kusa nyang nakukuha ang loob naming mga estudyante nya.

"Batid naman nating lahat na 1 week na lang ay magkakaroon na ng first monthly showcase ngayong school year hindi ba?"

"Yes sir!"

"So sa ngayon, kasalukuyan pa rin naming kino-compute ang mga grades ninyo sa buwang ito at sa mga performances na nagawa niyo, para malaman namin kung sino ang labing-lima na makakasali sa showcase mula sa Singer's Division para sa month na ito." Nakangiti nitong pahayag. Mas lalo pang sumigla ang buong room. Nagkaroon na ng mga bulong-bulungan at mga haka-haka kung sinu-sino ang mga posibleng makasali.

"Meron tayong 3 Sections dito sa Singer's Division. At sa kasalukuyan, 3 na ang napili mula sa inyong section na maari pang madagdagan hanggang sa matapos ang computations ng inyong mga grades." Muli itong huminto sa pagsasalita na tila binibitin kami.

"Eh sino-sino po ba sila Sir. Sabihin nyo na po Please!" -Shaquil

"Oo sir, sige na po!"

"Sige na po sir!" Sigunda ng iba.

"Ang tatlong yon ay sina, Nate Mercuz Neville!"

"Yesss!" Hiyawan ng mga lalaki na mga kaibigan ni Nate.

"Sino pa Sir? Wag naman po kayong nambibitin!" -Myrtel

"Cindy Caseius!"

"Yeheyy!" Sigaw ni Brie at ng iba ko pang mga kaibigan. Natuwa talaga ako sa narinig ko. Kasali na ako sa Showcase!

"At ang may kasalukuyang pinakamataas sa evalutation ngayong month na ito sa Singer's Division ay si..." Muli nitong ibinitin ang sasabihin. Wala ng iba pang nagsalita at lahat ay tahimik na naghihintay kung sino ang susunod na matatawag.

"Vienxinido Lee!" Agad nagkaroon ng bulungan.

"Wow! Classmate natin ang may pinakamataas na grade sa monthly evaluation!" Naglingunan kami sa may bandang likuran ng row ng mga boys kung saan nakaupo si Vien na wala man lang reaction sa narinig.

"Expected ko na yon! Magaling talagasya. Laging sya ang nagunguna sa mga performances natin." Nakangiting sabi ni Brie.

"Kainis, di manlang tayo na-isali!" -Eumee

"Wag kayo mag-alala guys! Like what I've said earlier, hindi pa tapos ang computations. Maaari pang makasali ang ilan sa inyo. Basta pag-igihan nyo pa ang mga activities and performances ninyo okay?" -Sir Daeo.

"Okay po Sir!" Sagot ng lahat.

"Okay! Magalaing! So let us start now our lesson!" Nag-umpisa ng maglecture si Sir Daeo at lahat kami ay inspired na makinig sa kanya, dahil sa galing nyang magturo na talaga namang napapakinabangan namin sa pagkanta. Nilingon ko si Vien sa kinaroroonan nito upang alamin kung ano ang ginagawa nito, ngunit nagulat ako at agad na binawi ang aking pansin ng makita kong nakatingin din ito sa akin. "Ba't ba nakatingin sa akin yung lalaking yon? Kainis naman! Tapos bakit ganito reaction ko sa mga tingin nya? Parang naco-conscious ako!"

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon