A/N:
👆 👆 👆 👆
Vien Shino Nate Xanjie------------------------------------------------------
Brie's POV
Napakasaya ng gabing ito. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay hindi kami nabigo sa misyong ibinigay nina Ms. Valerie. At higit sa lahata ay nagkaisa kaming lahat sa kabila ng katotohanang hindi kami magkakasundo.
Pagkatapos naming mag-group hug ay may mga nagpaputok ng mga kunpeti at muling umingay ang palakpakan.
Dumiretso agad kami sa backstage kung saan naroon ang mga dressing room.
"Congratulations to all of you!" Masayang salubong saamin ng mga teachers.
"Thanks ma'am!" Sagot namin. At muling nagkaroon ng masayang group hug sa loob. Kanya-kanya ng bihis ang lahat. Kami nina Cindy ay nag-retouch na lang dahil eksakto naman na ang mga suot namin.
"Brie! Cindy! Nagawa natin!" Tuwang sabi ni Peyton habang nagme-make-up kami.
"Oo nga, natutuwa talaga ako!" -Cindy
"At least nagawa natin ng masaya yung ipinagagawa saatin." Sabi ko.
"Hey girls! You did very great tonight! Masaya ng naumpisahan ang party, kaya't kita nyo? Nagkakasiyahan na sa gitna ng hall!" Bulalas ni Ms. Val.
"Salamat po ma'am, lalo na sa suporta niyo saamin." Sagot ko.
"Thanks ma'am at naniwala po kayo sa aming kakayahan!" -Cindy
"Natutuwa po talaga kami dahil napakasaya ng gabing ito!" - Peyton
"Ganon din kaming lahat masaya din kami!" Sabat ni Mr. Daeo na lumapit na rin pala saamin. Ang ibang mga teachers ay nagsilapit sa iba pang mga kasama namin.
"Magaling ang ginawa mo Brie, nagawa mo ang lahat ng itinuro ko sayo at nai-apply mo ang tunay na saya sa kanta na talaga namang makakapag-motivate sa kung sino man ang nakikinig sa kanta ninyo. Lahat kayo! Nagawa nyong damhin ang tunay na mensahe ng kanta kayat naiparating ito ninyo ng maganda sa lahat ng nakikinig!" Nakangiting sabi ni Mr.Daeo.
"Maraming salamat po talaga Sir Daeo! Napakalaki po ng naitulong nyo saakin!" Maluha-luha kong sagot.
"Aah, that's enough, wag tayo masyadong madrama, tonight is our night! Its a party night, we should be happy lalo na't naging succesful ang lahat!" -Ms. Val
"Tama!" Sabay-sabay naming sabi.
Inabot ko ang bag ko na nasa loob ng locker ko at inilabas ito. Napansin kong nakabukas ang zipper nito kayat hinila ko ito, ngunit sumabit ang strap nito sa hawakan ng pinto ng locker kung kaya't na bitiwan ko ito.
"Ahy!" Sigaw ko. Kumalat ang lahat ng laman nito sa sahig.
"Oh! Ayos ka lang Brie?" -Ms.Val
"Ah opo ma'am ayos lang!" Sagot ko. Pinulot ko isa-isa ang aking mga gamit at tumulong din sina Cindy at Peyton. Habang nagpupulot ay may nakita akong isang kwintas na familiar sa akin, pero alam kong hindi iyon saakin. Pinulot ko ito at tiningnang mabuti. "Nakita ko na tong kwintas na to eh, kanino nga ba to?"
"Hey necklace ni Shienna to ah!" Malakas na sabi ni Myrtel na umagaw sa atensyon ng lahat. Hinawakan nito ang wrist ko at hinila ako patayo.
"Aray ano ba!" Angil ko.

BINABASA MO ANG
High School Dreams
General FictionDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...