Chapter 6

1.2K 33 0
                                        

Shienna's POV

Palabas na kami ng Lobby, katatapos pa lang ng meeting para sa mga sections and class schedules namin. Habang naglalakad papuntang Parking area ng chool ay nakita namin sina Brie at ang kasama nito. Katabi ko si Shino na humakbang papalapit sa mga ito. Hinawakan ko si Shino upang pigilan. Napalingon ito sa akin at tila nagtatanong ang mga mata. Huminga ako ng malalim at binitiwan ito, nauna na akong maglakad at nilapitan sina Brie.

"Hi Brie!" Bati ko dito. Tumigil naman ang mga ito sa paglalakad.

"Hi!" Nakangiti nitong sabi.

"Hi Mr. Nivile!" Bati ko sa kasama nito.

"Hi!" Sagot nito.

"Its been a long time since the last time we met!" Sabi ko kay Brie.

"Uhm do I know you?" Tanong nito na unti-unting nagpawala sa aking ngiti. Nilingon ko si Shino na tila nagtataka naman sa sinabi ni Brie.

"Ah haha. Grabe ka naman, nakalimutan mo na agad kami ha!" Sinikap kong biruin ito.

"Uhm but I don't really remember you. Have we met before? Where?" Tanong ulit nito.

"What do you mean Brie?" Sabat ni Shino.

"Wait how did you know my name? I don't even know you!" -Brie

"Hey Brie its us! Shienna Saavedra and He's Shino Crawford! We are your bestfriends 5 years ago don't you remember? Were bestfriends for almost 4 years before you left!" Sabi ko.

"What? I don't really understand you guys!"

"What's wrong Brie what hap-"

"Enough Shie!" Shino interrupt.

"No one will remember anything, especially if they don't want to. Come on!" Hinila na ako ni Shino. Nilingon ko pa rin sina Brie na hinawakan na ng kasama nito at iginiya patungo sa sasakyan ng mga ito. Nagtataka talaga ako sa mga ikinilos ni Brie. Kahit na iba na ang apelyido nya, Im still sure that she's Brianna.

"What happened to her?" Takang tanong ko.

"She had changed." Maikling sagit ni Shino bago pumasok ng kotse. Pumasok na rin ako dito.

"I can't understand why she's denying us!" Hindi na muling sumagot pa si Shino. Hindi na rin ako nagsalita pa. "Ano ba nangyari dun? Siguradong galit pa rin sya sa sinabi ko sa kanya noon." Nalungkot ako sa isiping iyon.

Naalala ko pa ang mga sinabi ko sa kanya. "Wag ka nang lalapit ulit Kay Shino, naiintindihan mo?" Alam ko, labis syang nasaktan dahil don. Hindi ko naman ginusto yon eh. Pero kailangan. Si Shino lang ang lunas sa unti-unting pagbagsak ng negosyo nina Papa. "Patawad sa inyo!" Naalala ko pa ang naging usapan namin nina mama at papa na nagpabago sa aking desisyon na hindi ako magpapakasal kay Shino.

"Ginawa na namin ang lahat anak! Ibinuhos na namin ang mga naitago nating pera para maisalba ang kumoanya natin. Pero balewala dahil hindi pa rin iyon sapat!" -Mama

"Sinubukan na rin naming mangutang anak, pero wala ng nais magpautang saatin dahil alam na nilang nanganganib na ang ating negosyo. Kaya wala na tayong pag-asa maliban sa mga Crawford!" -Papa

"Pero papa, alam nyong hindi ko gusto si Shino! Isa pa si Brie ang gusto nya, siguradong tututol din sya!" Umiiyak kong sabi.

"Ayoko pong masaktan kaming tatlo mama, papa! Alam kong mahal ni Brie si Shino. Alam nyo namang kapatid na ang turing ko sa kanya diba?" Umupo si mama sa aking tabi.

"Alam namin iyon anak. Gaya mo ay napamahal na rin sa amin ng iyong papa si Brie. Ilang taon na ring nanilbihan ang mama nya sa atin, at naging matapat sila at mabuti. Pero kailangan nating maging matigas ang loob para din sa ating mga sarili." Malungkot na sabi ni mama.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon