A/N:
Warning: This Chapter may contain scenes that is not suitable for very young and GREENY audiences. Parental Guidance is adviced! 😂😂😉
------------------------------------------------------
Shino's POVNagulat talaga ako ng paglingon ko sa labas ng kotse ay nakit ko si Shienna na nakaluhod sa harap ni Brie habang pareho silang umiiyak. Bigla akong napalabas ng kotse ng makita kong papaalis na ang babae at hindi ko napigilang tawagin ito.
"Brianna?" Nakita kong napahinto ito saglit. Akala ko ay lilingon ito ngunit nagkamali ako. Yumugyog ang balikat nito dala ng pag-iyak at muling nagpatuloy sa pag-alis.
"Brianna!" Tawag kong muli. Ngunit tila wala na itong narinig pa at tuluyan ng nakalayo. Binaling ko ang aking pansin kay Shienna na ngayon ay humahagulgol pa rin sa pag-iyak habang nakaluhod sa lupa. Inakay ko ito patayo.
"Halika na. Umuwi na tayo." Sabi ko. Tumayo ito at agad na yumakap sa akin.
"Shino, ano na ang gagawin ko? Hindi nya ako mapatawad. Pero hindi ko sya masisisi dahil napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa kanya. At sayo rin Shino. Sorry!" Umiiyak nitong sabi. Nagtaka ako kung bakit pati sa akin ay humuhing sya ng sorry.
"Halika sa kotse na tayo mag-usap." Inakay ko na ito papasok sa loob ng kotse. Nang makapasok din ako ay ini-start ko na agad ang makina at pina-andar ito. Patuloy pa rin si Shienna sa walang humpay na pag-iyak nito. Hindi ko lubos ma-isip kung bakit ganito ito umasta ngayon. Tila napakalaki talaga ng pinagsisisihan nito. At pati daw sa akin ay may kasalanan sya? Ano yun? Gusto ko mang malaman ang sagot ay mas pinili ko na lang munang ihatid agad si Shienna sa bahay nila at sinabing bukas na lang kami mag-usap dahil mukhang hindi pa nito kayang makipag-usap ng matino dala ng matinding emosyon.
Nate's POV
Hindi talaga ako tuluyang lumayo mula sa gate ng university. Ipinark ko muna ang kotse ko mula sa di kalayuan dahil nag-aalala ako kay Brie. Hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng pag-uusap ng dalawang babae. Dahil sigurado akong hindi pa handa si Brie na magpatawad matapos ng lahat ng nangyari. Sa kabila nito ay alam kong mahalaga pa rin sa kanya ang dati nyang mga kaibigan. Nababasa ko yun sa kanyang mga mata. Nangungulila pa rin sya sa mga ito. Makalipas ang halos kalahating oras ay bumuhos ang malakas na ulan.
"Nasan na kaya sila?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa gate ng university. Ilang minuto lang ang lumipas ay bigla akong nakakita ng isang babae na lumabas mula sa gate. Basang-basa ito gawa ng malakas na ulan. Nakita kong napa-upo ito sa gilid ng kalsada kaya't agad kong pinaandar ang kotse palapit dito. Nang makarating ako ay agad akong lumabas at tumakbo palapit dito.
"Brie!" Tawag ko. Nakita kong lumingon ito. Nang tuluyan akong makalapit ay mabilis itong yumakap sa akin habang umiiyak.
"Anong nangyari Brie?" Nag-aalala kong tanong rito, ngunit hindi ito sumagot at patuloy lang na umiiyak kasabay ng malakas na ulan. Basang-basa na kami pareho kaya't inalalayan ko itong tumayo at inakay patungong kotse. Pagpasok nito ay agad din akong umikot papunta sa driver's seat. Kumuha ako ng towel mula sa likuran at dalawang T-shirt. Mabilis akong nagpunas at nagpalit ng T-shirt.
"Magpunas ka muna." Ini-abot ko rito ang isa pang towel. Kahit na umiiyak ay tumalima pa rin ito at pinunasan ang kanyang mga braso at binti. Pati ang kanyang buhok. Kumuha ako ng payong at lumabas.

BINABASA MO ANG
High School Dreams
Ficção GeralDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...