Chapter 26

633 12 3
                                    

Brie's POV

"Ang dami kong nakain!" Sabi bi
Peyton.

"Oo nga eh, baka tumaba tayo nito!" Sagot naman ni Shienna. Kasalukuyan kaming naka-upo ngayon sa damuhan dito sa park sa loob ng Academy.

"Tch! Tatakaw nyo kasi!" -Shino

"Oy hinde ah! Napasarap lang talaga pagkain namin no!" -Peyton

"Hey guys!" Napalingon kaming lahat sa isang lalaking tumatakbo palapit sa amin habang tinatawag kami.

"Oy Sir!" Kumaway din naman kami dito.

"Hhhayy! Nandito lang naman pala kayo eh!" Hinihingal na sabi nito.

"Bakit nyo po kami hinahanap sir Mark?" Tanong ni Xanjie.

"May mga company kasing nangangailangan ngayon ng mga talents. At exaktong nariroto kayong walo dahil kayo ang naisipan kong irekumenda sa mga companies na yun!" Pahayag nito.

"Eh anu-ano po bang mga companies yun at ano ang hinahanap nila?"

"Ah basta marami sila eh, may naghahanap ng magiging Male model para sa isang brand ng clothes and jeans. Merong female talent para sa Shampoo comercial at iba pa! Kaya hali na kayo bilisan niyo na!"
Agad naman kaming nagsitayo at nagmamadaling sumunod dito.

"Grabe, excited na ako!" -Peyton

"Ako nga rin eh. Kinakabahan pa ako!" -Cindy

"Eh sino bang hindi? Sana maging fit tayo para sa mga hinahanap nila." -Nate

Binuksan ni sir ang pinto ng isang kwarto at niyaya na kaming pumasok. Nagulat ako dahil napakaraming tao ang nakaupo sa loob. At hula ko lahat sila ay matataas na tao.

"Ahm, mga representatives ang lahat ng yan mula sa iba't-ibang companies." Mahinang bulong samin ni Sr Mark.

"Sila na ba iyan?" Tanong ni President Royce na as usual napaka suplado pa rin ng dating, na hindi naman bagay. Tch!

"Ahm yes President!" Sagot ni Sir Mark. Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong naroon din pala sina Ms. Val, Ms. Riza at sir Daeo.

"Hindi ba't sila yung may mga natanggap na award nung Showcase nyo?" Tanong ng isa sa mga representatives na naroon.

"Yes sir, sila nga!" -Sir Daeo

"Buti't inilabas niyo na rin sila. Kanina pa namin sila hinahanap." Sabi naman ng isa pa.

"Na-ibigay ko na tuloy ang contract sa iba!" Bulalas naman ng isa.

"Oo nga eh, kainis!" Segunda naman ng ilan.

"Huminahon po kayo! Pasensya na. Pero alam naman po naming hindi rin po kayo malulugi sa mga unang talents na naibigay na namin sa ilan sa inyo. Magagaling din naman po sila at subok na namin iyon." -Ms. Val.

"Ganon pa man ay ang mga students pa rin po ang mamimili kung alin sa mga offers ninyo ang tatanggapin nila."

"Ngayon, umpisahan nyo na silang tanungin kung alin sa mga offer ninyo ang tatanggapin nila. Mark i-introduce mo na ang mga talents" -Pres. Royce.
Pumunta naman si sir Mark sa gitna at inalalayan si Cindy sa harap ng mga taong naroon.

"Ahm, Ladies and gentlemen, siguro naman po ay napanood nyo na ang mga talents na ito noong gabi ng showcase hindi po ba? Sigurado akong alam nyo na kung ano ang mga kakayahan nila at kung babagay ba sila sa mga i-ooffer ninyo. So first, this is Cindy Caseius, 17 Yrs/old. From Singer's division!" Agad namang nagsitaasan ng kamay ang karamihan sa mga naroon
Isa-isa silang binigyan ng chance na masabi ang kanilang nais i-offer kay Cindy. At ng maubos ang mga ito ay agad namang may napili si Cindy. Ganoon din kaming lahat. At thanks god sapagkat naging successful ang mga pirmahan ng contract. Matapos ang meeting na niyon ay lumabas na rin kami at sumunod si sir Daeo sa amin.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon