Chapter 8

1.1K 33 5
                                        

Ms. Valerie's POV

Tinitignan ko ang walong kabataang naparusahan namin kanina lang dahil sa gulong ginawa ng mga ito sa school Restaurant kanina. At base sa nakikita ko ay nagkakaisa naman sila sa planong nabuo nila.

"Mukhang hindi sila nahirapang magplano no?" Nakangiting sabi ni Mr. Daeo, nasa likuran ko pa rin pala ito at pinanonood din ang kabataang ngayon ay nagsisigawan na ng "Lets go!"

"Ah oo nga eh. Mukhang maganda ang naisip nating parusa sa kanila, malaking tulong hindi lang sa magaganap na Party kundi sa kanila rin. Kahit na nag-away-away sila eh mukhang madali nilang makakasundo ang bawat isa kung magwo-work sila as a team hindi ba?"

"Tama ka Ms. Val. Sana palagi silang ganyan. Nagkakaisa sa lahat ng bagay na planuhin nila. At sana maging maayos ang kung ano man ang napagkasunduan nila." -Mr. Daeo

"Umaasa rin ako."

"Sana lang hindi mapahamak si Brie. Sana mapagtagumpayan nya ang ibinigay na pagsubok ni President Royce sa kanya. Kahit na unfair yun para kay Brie."

"Sana nga. Pero bakit wala ka bang tiwala sa kanya? Natatakot ka bang bumagsak at mawalan ng trabaho kung sakali?"

"Hindi sa ganon Ms. Val. Hindi ako natatalot sa kung ano pa man kung para lang sa sarili ko. Ang inaalala ko ay yung bata. Kawawa naman kasi siya kung maka-cancel ang admition nya ng dahil lang sa unfair na patakaran ng school. Isa pa nakakahiya yon para sa ating lahat dahil basta na lang natin tinatanggal ang isang estudyante dahil sa isang walang kwentang kadahilanan. Alam naman nating lahat na ang emosyon ay hindi basta-basta naitatago lalo na kung bata ka pa. At sa kagaya nya intindi sana natin yon. Gayon pa man ay alam kong magsusumikao syang matutunan ang bawat ituturo natin sa kanya." Pahayag ni Mr. Daeo.

"Tama ka sa bagay na iyan. Pero wala tayong magagawa dahil si President Royce ang pinakamataas sa atin. Para mapagtakpan natin ang lahat ay dapat nating sikapin na magtagumpay si Brie sa loob lang ng one month."

"Mali mang kunsintihin ang isang mali ay no choice naman tayo sa bagay na iyan hindi ba?" -Mr. Daeo. Buntong hininga lang ang naging sagot ni Ms. Val.

Nakita nilang naghiwa-hiwalay na ang mga bata.

"Well! Mag-uumpisa na silang tahakin ang landas tungo sa kanilang tagumpay." Nakangiting sabi ni Mr. Daeo.

"Alam ko. Nakikita ko sa kanila ang diterminasyon at kakayahang wala sa ibang estudyante na naririto ngayon. At nagtitiwala ako sa kanila.

"Ako rin."

Shino's POV

"Ano ba kasi ginawa nung mga yun?" Nag-aalala kong tanong ng mabalitaan kong binigyan ng punishment sina Shienna at Brie.

"Ewan ko basta ang alam ko nagkagulo daw sa resto kanina at sangkot sila." Anang nakapagitan sa upuan nina Shino at Nate.

"Naparusahan tuloy sila dahil sa pagiging war freak nila." Sabi ko.

"Sa pagkaka-kilala ko kina Ma'am Val at Sir Daeo hindi pangit na parusa ang ibibigay nila. For sure masaya yon!" Nakangiting sabi ni Chris. Nagtaka ako dito.

"Panong magiging masaya yun?"

"Ah basta, teka hindi mo ba tutulungan mga kaibigan mo?" Mungkahi nito.

"Ano naman ibig mong sabihin Chris?"

"Para makasama ka sa kung ano man ang ipapagawa sa kanila!" Sagot nito.

"Eh pano?"

"Simple lang yan. Edi gawin mo din ang ginawa nila!" -Chris

"What?" -Nate

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon