Chapter 15

837 25 1
                                        

Shienna's POV

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon nina Eumee at Myrtel papuntang park. Doon muna kami tatambay kasi hindi naman maayos ang klase ngayong araw, masyado kasing busy ang mga teachers. Ng makarating kami sa park ay nagulat kami ng makarinig kami ng isang tili ng babae ilang metro ang layo mula sa amin.

"Oh god! Yung kaibigan yun nung thief diba?" Bulalas ni Myrtel. Si Brie siguro tinutukoy na thief daw ng bruhang ito.
Nagulat kami ng makita ang isang German Shepherd na papalapit dito habang tumatahol. Ngunit bago pa ito nakalapit sa babae ay biglang may tumawag sa aso na ikinahinto nito. Si Vien!
Pinapaamo nito ang aso na unti-unti ng humihina ang mga tahol, at kumakawag-kawag na ang buntot. Ilang sandali pa ay lubusan ng umamo ang aso at lumapit sa lalaki. Kita namin kung pano nito nilambing ang kanina lang ay mabangis na aso.

"He's a dog lover pala? Ang galing nya magpaamo huh!" -Eumee

Ilang sandali pa ay may lumapit na gwardya kay Vien at itinali ang aso sa leeg gamit ang dog chain na dala nito.

"Pasensya na po kayo sir! Nakawala itong bantay natin sa gate. Wala po bang nasaktan sa inyo?" Hinging paumanhin ng Gwardya.

"Ah wala naman. Madali naman syang paamuin eh." -Vien

"Ahm, actually nagtataka nga po ako kung pano nyo sya napaamo eh masyadong mabangis itong alaga namin. Bihira ang nakakapag-paamo nito sa unang kita pa lang. Salamat na lang at hindi kayo nasaktan." Rinig kong sabi ng Gwardya. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na ito. Nakita kong lumapit si Vien kay Cindy na hanggang ngayon ay tila na-shocked pa rin sa muntikan ng nangyari. Tinapik ito sa balikan ni Vien na dahilan ng pagkisap ng mga mata nito. Tila natauhan naman ito ng makita kung sino ang kaharap nito. Kitang-kitang kita ko pa ng bigla itong mag-blush at umiwas ng tingin sa lalaking nagligtas dito. Tila nakaramdam naman ako ng kaunting selos sa aking nakikita. "Duh! Bakit may "K" ka bang magselos Shie? Eh hindi nga man lang kayo magkaibigan eh!" Sabi ko sa isip ko.

"Tara na dun tayo!" Niyaya ko na ang dalawa kong kasama at ako na ang humila sa kanila papunta sa kabilang panig ng park kung saan di ko makikita ang dalawang iyon.

Cindy's POV

"Hey! Are you okay?" Bigla akong natauhan ng ma-realise kong may tumatapik sa balikat ko. Ilang-ulit akong napakisap mata at nakita kong wala ng aso sa palagid. Salamat! Nakahinga ako ng maluwag. Ligtas na ako! Ngunit ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ang nasa harap ko. Si Vien!
Bigla kong binawi ang aking paningin at lumingon sa ibang direksyon bago ako nakasagot dito. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko ng ma-realise ko kung sino ang nagligtas sa akin.

"Ah oo! Ayos lang ako! Salamat nga pala!" Sagot ko.

"Ah, buti napadaan ako dito. Kung hindi baka ginawa ka ng miryenda nung aso." Sabi nito na nakalagay sa dalawang bulsa ang magkabilang kamay.

"Oo nga eh. Salamat ulit ha? Sige mauna na ko." Akma na sana akong tatalikod upang umalis ng magsalita ito.

"Cindy!" Nagulat ako at napahinto ng tawagin nito ang pangalan ko. Naalala pa nya ang pangalan ko! Bahagya akong lumingon pero hindi ako makatingin sa mga mata nito.

"Ah, may gagawin ka ba ngayon?"

Napaisip ako, wala naman akong gagawin sa ngayon eh, hinihintay ko na lang ang- oh my! Showdown nga pala nila ni Alex ngayon!

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon