Chapter 11

906 47 0
                                    

A/N:
👆 👆 👆 👆
Cindy Brie Shie Peyton

------------------------------------------------------
Shino's POV

Habang nakasakay kami sa kotse ay muli kong napansin si Shienna na tahimik lang na nakaupo sa tabi ko habang ako ay nagmamaneho. Alam kong naging masaya sya ngayong gabi at mukhang wala naman syang problema. Pero bakit mukhang malalim ang iniisip nya? Kanina pa sya ganyan?

"Yung tungkol ba sa kwintas ang iniisip mo?" Sinubukan kong hulaan ang dahilan nito. Sumulyap lang ito sa akin habang blangko ang ekspresyon at muling bumaling sa bintana ng hindi man lang nag-abalang sumagot.

"Naniniwala ka ba talaga sa sinabi ni Brie na hindi nya tayo kilala noong una natin syang kausapin? Dahil kung naniwala ka sa kanya siguradong naniniwala ka ring sya nga ang kumuha ng kwintas mo?" Wala pa rin itong sagot.

"Dahil kung alam mong sya talaga ang dati nating kaibigan, alam mong hindi nya magagawa sayo yon. At lalong alam mo na hindi magnanakaw si Brie." Muli itong lumingon.

"Alam mong mahalaga ang kwintas na ito sa akin. Iniyakan ko talaga ito nung gabing nawala ito sa akin. Pero kahit na ganon, alam kong hindi si Brie ang may gawa nito." Sa wakas ay sagot nito.

"Eh sino sa palagay mo?"

"Hindi ko rin alam." Muli itong bumaling sa bintana at hindi na rin muling nagsalita pa. Hindi ko na rin ito kina-usap pa dahil alam kong naguguluhan din ito sa nangyari.

Shienna's POV

Tama si Nate. Hindi ako naniniwalang hindi sya si Brie na kaibigan namin, at mas lalong hindi rin ako naniniwala na sya nga ang kumuha sa kwintas ko.
Naguuluhan na talaga ako. Kakausapin ko na sina Mama, pakikisuapan ko sila na hindi na lang ituloy ang kasal namin ni Shino at kalimutan na lang ang kasunduan. Hindi ko na talaga matiis si Brie, namimiss ko na talaga sya. "Bakit ba kasi kailangan mong gawin to samin Brie? Bakit kaliangan mo pang itanggi sa amin na naging kaibigan mo kami? Sa susunod na magkita tayong muli, sisiguraduhin kong makakausap na talaga kita. Hindi ko na kayang makita ka na patuloy akong iniiwasan. Lalo na si Shino na alam kong nasasaktan tuwing makikita ka at sa tuwing iiwasan mo sya." Oras na para itama ang mga mali kong nagawa.

Kinabukasan...

"Shienna anak gising na, breakfast na tayo!" Niyugyog ni mama ang balikat ko. Ng makita ko ito ay naalala ko na agad ang balak kong kausapin ito.

"Sige po ma, mauna na kayo susunod na ako."

"Sige wag ka magtatagal ha? Hihintayin ka namin sa mesa." Tumalikod na ito at lumabas na ng kwarto.
Agad akong nag-suklay ng buhok at bumaba na. Habang kumakain kami ay pinapakiramdaman ko sina mama at papa dahil inaalam ko kung okay lang ba ang mga mood nito ngayon. At nakikita ko namang mukhang ayos lang sila ngayon, kaya't napagdesisyunan kong sabihin na sa kanila ngayon na umaatras na ako sa naging kasunduan nila ng parents ni Shino. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin ako makakuha ng tyempo na kausapin sina mama.
"Ano ba to? Pano ko ba sisimulan?" Tumayo na si Papa at dumiretso sa kusina upang magsipilyo.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon