Vien's POV
Hindi ko alam kung bakit, pero napapasunod ako ni Cindy sa bawat sabihin nito. Ganon ba talaga kapag nagtiwala ka sa isang kaibigan? Kusa kang maniniwala? Pero base sa nadadama ko alam kong masaya ako sa kung ano man ang mga nangyayari at mga pagbabago sa buhay ko ngayon. Napakasaya ng araw na to para sa akin. At yun ay dahil kay Cindy at sa mga bago ko pang kaibigan.
"Halina kayo sa room at kunin na natin ang mga bag natin. Mag-uuwian na rin naman oh!" Yaya ni Peyton.
"Sige tara na!" Sang-ayon ng lahat.
"Halika sabay ka na samin. Wag ka na mahiya!" Hinila na ako ni Cindy ng mahalatang naiilang pa ako sa kanila.
"Gusto lang pala makipagkaibigan nung mga yung kailangan pang manghamon. Ayan tuloy napahiya pa sila. Si Alex pa naman ang pinakamagaling na male singer sa sec. 1. Tapos inilampaso ng Sec. 2 lang! Haha!" -Peyton
"Bagay lang yun sa kanya." -Nate
"Ah Pare balita ko ikaw daw ang magiging main performer sa showcase ah? Ang galing mo talaga!" -Xanjie
"Ah, hindi naman." Nahihiya kong sagot. Pagdating namin sa room ay kinuha na namin ang mga bag namin at agad na rin kaming lumabas.
"Oh pano ba yan. Hiwa-hiwalay na muna tayo huh?" -Xanjie
"Oo sige ingat na lang kayo!" -Brie
"Sasabay na ako kay Xanjie, sige bye sa inyo!" Kamaway pa si Peyton ng malayo na sila.
"Ah sige uwi na rin ako bye sa inyo!" Aalis na sana si Cindy ng hawakan ko ito sa braso.
"Ha? Oh bakit?" Tanong nito.
"Sabay ka na sakin. Nagko-comute ka lang diba?"
"Ah wag na, nakakahiya naman makakaabala pa ako sayo!" Tanggi nito.
"Hindi ah, hindi naman malayo ang lugar nyo eh, hindi problema sa akin yon."
"Oo nga Dhie, sumabay ka na sa kanya. Mukha namang harmless si Vien eh. Wag ka ng matakot!" Biro ni Nate.
"Loko ka, hindi naman sa ganon."
"Kung ayaw mo sa amin ka na lang sumabay?" -Brie
"Ahy naku naman, mas malayo ang ruta nyo eh. Mas mapapalayo pa kayo." -Cindy
"Eh sakin ka na lang kasi sumabay. Tara na!" Hinawakan ko na ang kamay nito at hinila papunta sa kotse.
"Ano ba teka lang Vien!"
"Sige na pumasok ka na. Hindi naman ako manyak no!"
"Heh! Hindi yon no! Pero-"
"Eh ano? Kasi crush mo ako?"
"Ano? Yabang mo huh! Feeler!"
"Edi kung hindi naman pala, wala kang dapat ika-ilang!" Sumakay na ako sa kabilang pinto.
"Bye Dhie! Bye Vien! Ingatan mo friend namin huh! Mananagot ka samin!" Paalala ni Brie na kumakaway sa amin.
"Oo ako bahala!" Sagot ko.
Pinaandar ko na ang kotse papunta ng gate.Brie's POV
Nang makalayo ang sasakyan ni Vien ay lumingon ako kay Nate na ngayon ay pasakay na sa kotse. Lumapit ako dito at hinawakan sa isang braso. Lumingon ito sa akin at ngumiti. Ngiting hahabol-habulin talaga ng maraming kababaihan.
"Ahm, Nate. Mauna ka na lang. Isakay mo na lang itong bag ko. May kakausapin lang ako.
"Si Shino?" Tanong nito. Ngumiti ako at umiling.

BINABASA MO ANG
High School Dreams
General FictionDifferent persons, From Different Places. Different Goals, With Different Ways and Attitudes. One School, For Only One Dream. Hali na't subaybayan natin ang mga kabataang pare-parehong nangangarap, nag-aaral at nagsusumikap. Magkakaibang ugali at ka...