Chapter 27

543 11 0
                                        

Brie's POV

"Congrats sa inyo mga anak!" Salubong nina Tita Marla at Tito Henry sa amin pagdating namin ng bahay. Na-inform na pala sila kanina ni Nate tungkol sa pagpirma namin ng mga contracts.

"Sabi ko na nga ba't hindi magtatagal ay magiging successful agad kayong dalawa! I'm so proud of the both of you!" Magkasabay kaming niyakap ni Tita Marla.

"At I'm sure, hindi rin magtatagal ay sisikat na kayo!" -Tito Henry

"Sana nga Pa, magdilang anghel kayo!" Sagot naman ni Nate.

"Hah! Syempre sigurado talaga ako dun!"

"Weh! Gano po kasigurado?" Singit ko naman.

"Uhmm, mga 90%?"

"Ahyy naku may 10% pang natira!" Nagkatawanan kaming lahat.

"Haha, di biro lang syempre.. More than 1000%!" Sagot nito.

"Wait, bilang pasasalamat sa maaga nyong tagumpay, magse-celebrate tayo. Maghahanda tayo dito sa bahay at pwede nyong imbitahan ang lahat ng mga kaibigan niyo ngayong weekend!" Pahayag naman ni Tita Marla.

"Naku Tita, hindi na po kaylangan yon! Magkakalat lang yung mga yon dito sa bahay. Magugulo yung mga yun!" Tanggi ko.

"Minsan lang naman to Brie! Kaya tanggapin na natin!" -Nate

"Oo nga naman hija! Para makabonding din naman namin mga kaibigan niyo! Alam naman nating hindi pa naman nalalayo ang itsura namin ng Tita Marla mo sa inyo eh!" Pagbibiro naman ni Tito Henry.

"Heh! Wag ka ngang ganyan! Nakakahiya sa mga bata oh, baka sabihin pa nila na feeling young pa rin tayo!" Nagkatawanan nanaman kami dahil sa kulitan ng dalawa.

Vien's POV

We are currently riding on my car with, Guess who? Yup, its Cindy! Tahimik lang kami pareho habang nagda-drive ako. Palagi ko na syang isinasabay sa pag-uwi at inihahatid ko sya sa kanila kahit na kung minsan ay tumatanggi sya kasi medyo napapalayo daw ang daan ko. At isa pa nahihiya daw sya sa mga magulang nya na baka kung anong isipin kapag lagi akong nakikita.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Basag nito sa katahimikang nakapagitan sa amin kanina pa. Nilingon ko ito na nanatili pa ring nakatingin sa labas ng bintana at nakatanaw sa papalubog ng araw.

"Parang kaylan lang nung first na nagkakilala tayong magkakaibigan. Tapos ngayon eto, nagka-contract agad tayo ng di inaasahan." Bakas sa boses nito ang kasiyahan.

"Ganito naman talaga diba? Kung alin yung di tuloy expected, yun pa yung nangyayari." Sagot ko.

"Alam mo, nung unang araw namin ni Peyton sa Dream, yun din yung unang araw na nakasalubong ka namin. At sorry for being rude pero napaka-sama talaga ng tingin ko sayo 'non!" Sinundan nito ng mahinang tawa ang mga sinabi nito.

"You know why? Ang presko mo kasi eh, tapos suplado pa!" Tumatawa nitong sabi.

"Sorry kung naging ganon ang first impression mo. Pero yun naman kasi talaga ako noon eh. Kaya nga siguro walang nangangahas na makipagkaibigan sa akin." Napabuntong hininga ako bago ako muling nagsalita.

"Pero salamat sa inyo dahil nagawa kong magbago." Pahayag ko. Napalingon ito sa akin.

"Imagine, yung dalawang babaeng makukulit na nakipag-away pa sa akin nung Audition day ay sila palang magiging dahilan at mag-uumpisa ng pagbabago sa buhay ko?" Napangiti ako ng maalala yung araw na iyon.

"At ito yung klase ng pagbabago na hinding-hindi pagsisisihan ng sino man. Yung tipong ipagpapasalamat pa. Kung di dahil sa inyo siguro hanggang ngayon loner pa rin ako."

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon