Chapter 29

481 13 0
                                        

Shienna's POV

Narito kaming walo ngayon sa park ng school. Magkakaharap kami pero ni isa ay walang nagsasalita, awkward! Sino ba naman kasi ang hindi mahihiya sa amin. Naturingan pa namang mga girls kami, eh kami pa yung tila nagpyesta sa picture ng isa sa mga boys sa amin! As in nakakahiya lang! Eto naman kasing si Brie eh! Hindi ko akalaing may kapilyahan din pala talagang itinatago tong isang 'to, kesyo wala naman daw malisya yon kasi barkada naman daw si Xanjie na sya rin ang pinaka-bunso saming walo. Tiningnan ko sila isa-isa, at halatang naghihintay lang yung mga boys kung sino sa amin ang unang magsasalita. Nakakapagod ng umupo dito pero never akong mauunang magsalita no! Di naman ako may pasimuno eh!

"Hey guys!" Sabay-sabay kaming napalingon sa papalapit na si Ms. Valerie.

"Hi po Ma'am!" Sabay-sabay naming bati ngunit pare-parehong mga walang buhay.

"Oh? Ba't parang nagdaraos ata kayo ng Byernes Santo? Malayo pa yun! Cheer up!" Bulalas nito ng mapalapit at tila napansing matatamlay kami pare-pareho.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo?"

"Eh kasi po ma'am etong girls eh!" Pagsusumbong ni Shino.

"Anong ginawa ng girls?" Nandidilat na tanong ni Ma'am.

"Yung pi-

"Shino stop it!" Tiningnan ko ito ng masama. Halos namumula na naman sina Cindy at Brie, ganon din si Peyton na kakagaling pa lang sa clinic.

"Yung picture po kasi ni-

"I said stop it!"

"Ahy, guys mukhang may mga pinagtatalunan ata kayo?! Anyway isantabi nyo na muna yan kasi we have a new deal!" Pagbabalita nito. Lahat naman kami ay nagulat.

"Talaga po ma'am?!" -Nate

"Anong deal po yun ma'am!?" -Cindy

"Uhm, sa Manchester Arena kasi nagkaroon ng suicide bombing diba? Nung concert ni Ariana Grandé last week? At masyadong maraming Victims. Napagdesisyunan ng Company ni Ariana na magkaroon ng isang Tribute sa nangyaring terrorist's attack at para na din sa mga biktima. At dito nila napiling maghanap sa mismong school natin!"

"Wow!" Tuwang-tuwang bulalas namin.

"At kayong walo ay kasali sa mga napili naming irekumenda at ikinatuwa naman nila dahil may experience na kayo sa pag-gawa ng MV!"

"So ano po ang gagawin?" -Brie

"Mag-rerecording kayo ng kantang 'We are the world' kasama ang ilan pa sa mga ka-division niyo para sa tribute ng Manchester Arena!"
Hindi namin napigilang magtatatalon dahil sa sobrang tuwa at hindi namin namalayang nag-group hug na pala kami at nakagitna si Ma'am Val.

"Aah-ahrray guys!" Daing ni Ma'am. Bigla kaming nata-uhan at mabilis na nagsibitaw.

"Eh haha! Mukhang okay na kayo huh?" Nag-wink pa si Ma'am sa akin.

"Oh sige, ayusin niyo na problema nyo, at maghanda na kayo dahil bukas na bukas din ay lilipad na tayo papunta doon!"

"Agad-agad!" Bulalas namin.

"Yes! Agad-agad!" Natatawang sagit ni Ma'am.

"So see you tomorrow ha?! Dapat 5:30am narito na kayo sa school para sabay-sabay na tayo papuntang airport!" Iyon lang at tumalikod na ito.
Masasaya kami ngunit pinipigil naming mag-usap-usap dahil nagkakahiyaan pa rin kami.

"Alam nyo hindi ko talaga maintindihan kung bakit kanina pa kayo walang mga kibo?!" Basag ni Xanjie.

"Hindi ko alam kung may mga galit ba kayo sa isa't-isa o ano eh?!" Shocks! After all hindi pa rin nya alam kung bakit tahimik kaming lahat? Grabe naman ka-inosentihan nito! Hindi nya pa rin alam na sya yung dahilan!? What kind of human being is he?

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon