Chapter 20

757 22 1
                                        

A/N:

Since di pa ako nagstart sa Summer Job ko, eto gumawa muna ako ng UD. Pero syempre gaya ng mga nauna, di rin po sya mahaba. Para balance...😁

------------------------------------------------------

Cindy's POV

Kasalukuyan kaming naghahanda dito sa backstage. Nakagayak na rin kaming lahat, habang ang iba ay nagpa-practice pa muli. Napalingon ako kay Brie, oo nga pala, hindi ko pa sya natatanong kung bakit 2 days syang absent, nag-alala talaga ako sa kanya noon, salamat na lang at mukhang okay naman sya dahil masaya naman sya lagi gaya ng dati.

"Uhm Brie, ba't ka nga pala umabsent ng 2 days?" Tanong ko dito na nag-aayos ng buhok at costume nito. Lumabas talaga ang ganda nito sa suot na all black na makintab, ang sexy ng suot nito ngayon, mini-skirt at may stockings na ang sexy rin ng design, at naka boots ng 5". At yung make-up grabe, ang ganda talaga ng friendship ko. Naka-ponytail ang buhok nito na mataas ang pagkakatali mala Ariana Grandé lang.

"Ah, un ba. Wala lang, medyo may inasikaso lang ako." Nakangiti nitong sagot habang inaayos ang maskara nito na mata lang ang natatakpan.

"Sure ka? Wala kang problema? Nag-alala kasi ako sayo non eh.?"

"Haha, naku wala talaga wag mo na lang pansinin!" Natatawa nitong sabi at inakbayan ako. Sabay na kami nitong naglakad papunta sa may waiting area para sa mga magpeperform.

"Okay, sabi mo eh!" Nginitian ko na rin lang ito. Salamat at okay lang sya.

"Galingan mo mamaya ha? Papanoorin kita!" -Brie

"Aba oo naman. Ikaw din ha? Di ko palalagpasin performance mo, ang sexy mo kaya ngayon!"

"Haha, nahiya na tuloy ako!" Nagkatawanan kami pareho. Napalingon kami ng sabay ni Brie ng may marinig kaming parang may nagtatalo sa isang dressing room.

"Wag ka ng magkaila Eumee. Ipinakalkal ko ang record ng CCTV nung petsang nawala ang necklace ko. At kitang-kita doon kung pano mo kinuha ito sa lababo ng CR kung saan ako naliligo noon. Naalala ko na ipinatong ko nga pala iyon doon. At nakita rin sa CCTV nung inilagay mo iyon sa bag ni Brie nung maglabasan ang lahat dahil breaktime!" Teka! Parang kilala ko yung boses ah?

"Si Shienna yun ah?" Bulong ni Brie sa akin. Agad ko syang hinila ng dahan-dahan palapit sa pinto at sabay kaming sumilip sa loob.

"Oo na, ako na! Eh pano naman kasi nakaka-inis sya! Palagi na lang sya nagpapapansin sa karamihan!" -Eumee

"Hindi sya nagpapapansin. Sadyang gusto lang syang pansinin ng mga tao! Kung na-iinsecure ka dapat hinamon mo sya ng showdown gaya ng ginawa ni Alex! Hindi yung ipinahiya mo yung tao ng ganon!" Galit na sabi ni Shienna.

"Teka, ako yung kaibigan mo ah? Bakit mas concern ka pa sa kanya?"

"Oo kaibigan kita, pero mas una kong naging kaibigan si Brie, at higit sa lahat mas kilala ko sya. Noon pa man may hinala na akong hindi sya ang totoong kumuha dito sa kwintas ko. Dahil alam nya kung gano kahalaga sa akin to mula nung mga bata pa kami!"

"K-kaibigan mo sya?"

"Oo tama ka!" Tumalikod na si Shienna para sana lumabas, agad kaming nagtago ni Brie sa likod ng pintuan.

"Wait Shienna, Sorry na oh!" Habol ni Eumee. Napalingon si Shienna ng hawakan sya nito sa braso.

"Kung ayaw mong magalit ako sayo ng tuluyan gusto kong humingi ka ng pasensya sa kanya." Huminto ng saglit si Shienna bago madiing sinabi ang...

"Sa harap din ng maraming tao!" Nanlaki ang mga mata ni Eumee sa narinig. Maging kami ni Brie ay nagulat sa hinihinging kapalit ni Shienna sa kaibigan nya.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon