Chapter 16

792 24 0
                                        

Cindy's POV

Malayo pa lang kami sa music room ay rinig na namin ang ingay na likha ng mga naghihintay sa pagdating ni Vien para sa showdown. Para makapasok sa pinto ng room ay kinailangan pa naming makipagsiksikan sa mga taong nakaharang na agad ring nagsitabi upang bigyang daan kami ng makita si Vien.

"Andito na sya!" Sigaw ng isa. Agad na nagkaroon ng mga bulong-bulungan.

"Oh finally! Dumating ka rin! Akala ko natakot ka na talaga ng tuluyan!" Sabi ni Alex ng makapasok kami. Hindi sumagot si Vien. Lumingon ito sa akin at tinanguan ako. Binitawan ko na ang kamay nito na hawak ko.

"Ba't hawak nung babaeng yan ang kamay ni Vien? Sino ba sya?"

"Ewan ko jan. Ang lakas naman ng loob nya!" Bulong-bulungan ng mga babaeng naroon. Hindi ko na lang pinansin ang mga ito.

"So are you ready Vienxinido?" -Alex

"What do you think?" Vien sarcastically answered.

"Vince, patugtog ka na!" Utos ni Alex sa kaibigan nitong may hawak ng remote ng sound system. Agad naman itong tumalima at tumugtog na ang music. PillowTalk! Mukhang sinusubukan nitong labanan si Vien bagdating sa Range. "Maling hakbang ang ginawa mo Lex, hindi mo dapat nilabanan ang isang tao sa pamamagitan ng bagay kung saan naroon ang strength nya!" Napailing-iling ako sa isiping iyon.

Alex: Climb on Board!
We'll go slow, and high tempo!

"Crack ka agad! Pangahas kasi!" Saisip ko. Na-hit nga nya yung unang note pa lang pero halata namang nag-strugle na sya.

Vien: Light and Dark!
Hold me hard and mellow!

"Unlike this guy! So normal ng flow ng boses nya. Hindi trying hard!" Napaka easy ng flow ni Vien.

Alex: I'm seeing the pain. Seeing the pain pleasure!
Vien: Nobody but you. 'body but me. 'body but us.
Duet: 'bodies together!

Alex: I love to hold you close!
Tonight and always.
I love to wake up next to you.

Vien: I love to hold you close!
Tonight and always.
I love to wake up next to you.

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon