Chapter 31

772 17 14
                                        

A/N:

Sorry po talaga sa matagal na Ud... Pinasulat po kasi kami sa Non-Fiction eh... Lima po yun kaya medyo natagalan... bukod pa po jan may thesis din po at nga assignments pa... Buhay SHS po kasi.. Anyway here comes the long awaited UD xoxo:D salamat sa pasensya...

------------------------------------------------------
Brie's POV

"Girls magsigising na kayo ano ba?!" Bigla akong napabangon ng marinig ko ang malalakas na katok ni Ma'am Valerie sa pinto ng tinutuluyan naming room. Tatayo na sana ako ngunit nakita kong nauna ng tumayo si Cindy na pupungas-pungas pang tinungo ang pinto upang pagbuksan si Ma'am.

"Oh? Ano na? Ba't natutulog pa rin kayo? Girls naman may guesting pa kayo ngayong umaga!"

"Po?" Sabay-sabag naming bulalas, pati si Peyton ay nagising na rin pala.

"Anong po? Oo meron! May isang politician dito na survivor ng cancer at gusto nyang I-celebrate na naka-survive sya sa sakit nyang iyon. May isa syang tauhan na pilipino at kaibigan namin, nagpapahanap daw yung celebrant ng isang grupo ng nga singers para magperform to entertain their visitors. And take note, hindi lang basta-basta mga visitors nila huh! Mga high profiled sila!" Paliwanag ni Ma'am. Nagulat talaga kamk sa ipinahayag na iyon ni Ma'am.

"Pero kung mayayaman at mga matataas na tao sila, bakit kami po ang kinukuha nila? Eh sigurado naman pong kaya nilang kumuha ng mga sikat na singers or entertainers sa bansang ito?" I asked.

"Its because they have seen the videos of your showcase and they fell in love with your performances! Biruin niyo mga foreigns na-amused sa inyo! Gusto daw nila kayong mapanood sa personal and malaking opportunity ito para sa inyo girls!"Excited na sagot ni Ma'am. Napatango-tango pa kami. Pumasok na si Cindy sa CR upang maligo at si Peyton naman ay pumunta sa mini kitchen ng suite na iyon upang maghanda ng almusal.

"Oh sige na double time! Baka ma-late tayo!" Pagmamadali nito sa amin.

"Oh teka bakit tulog pa tong isang to?" Takang turo ni ma'am kay Shienna. Kibit-balikat lamang ang isinagot ni Peyton at muling ibinaling ang pansin sa ginagawa. Tumayo na rin ako at nagligpit ng mga pinaghigaan.

"Eh napuyat nga po kasi kami sa kasiyahan kagabi." Sagot ko. Lumapit ito kay Shienna at niyugyog ito.

"Shienna, gising na! Baka ma-late kayo!" Pupungas-pungas namang bumangon si Shienna na tila namumugto ata ang mga mata. Puyat pero mukha syang nasobrahan sa tulog? Takang sa isip ko.

"Ma'am naman ang aga mamulahaw!" Angal nito.

"Aba't eh ano? Sasayangin mo yung opportunity na ito para lang makatulog kanng maayos? Eh diba ito ang hanap nating lahat?"

"Anong opportunity po ba kasi yan!" Kinusot pa nito mga mata nito at inis na bumangon.

"Ahy naku, girls kayo na bahalang magpaliwanag dito at pupuntahan ko na rin muna yung mga boys." Baling sa amin ni Ma'am.

"Okay po!" Sagot ko.

"Wag na kayo magtatagal huh? Sa lobby na lang tayo maghintayan?" Anito bago tuluyan ng lumabas.

Ilang sandali lang ay natapos na rin kamkng maghanda at sabay-sabay na kaming bumaba sa lobby. Pagdating namin doon ay naroon na ang lahat ng boys. Naroon na rin si Ma'am Val.

"Hay naku naman, bilisan nyo namang kumilos girls! Hali na kayo at nagihintay na ang sasakyan!" Nagmamadaling nagpatiuna na si Ma'am palabas ng building.

"Teka kabisado nyo na ba yung kanta?" -Ma'am

"Kabisado na po namin." Sagot ni Nate

"How about you girls?"

High School DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon