Chapter 6

1.7K 30 23
                                    


Naiinis si Brandon sa kaibigan, dahil pagbaba pa lang nila sa Hotel ay ang dami ng napapalingon dito. Hindi lang mga lalaki pati na din mga babae, mapamatanda man, teenager pati na mga bata. Hindi inaasahan ng binata na ganito kaganda si Cham pag ganito ang suot nito, napakasimple lang naman ng suot niya pinartneran pa niya ng isang puting sunvisor. Habang nakatali ng napakataas ang buhok nito.

“Nrab ano ba problema mo kanina ka pa nakasimangot diyan?” umayos naman ang binata at tinangal ang kunot ng noo.

“Wala medyo naiinitan lang ako” dumeretso na sila sa nagpapaarkila ng jetski.

“Oh my first time ko to, exciting to ayusin mo ah baka mahulog ako” nakasakay na sila sa jetski, kapit na kapit naman ang dalaga sa kanya.

“Bilisan ko pa gusto mo?” pangaasar ng binata nahahalata niya kasi na todo na ito makayakap sa kanya.

“Hoy umayos ka, gusto mo lang yata na yakap yakap kita ano?” sigaw niya sa binata sabay kurot sa tagiliran nito.

“Oo sarap ng mga yakap mo eh” binilisan nga ni Brandon at nabingi naman siya sa tili ni Cham.

“Waaahh bagalan mo ang takbo or sasapakin kita. Hindi na ako natutuwa” hindi nakinig sa kanya ang binata bagkus ay tinawanan lang siya nito.

“Ang saya saya kaya enjoy ka na lang diyan habang yakap yakap moko” pang aasar pa niya.

“Lagot ka sa akin pagbaba natin, magtago ka na bubugbugin kita” ninerbyos na sabi ni Cham.

“Yan ang gusto ko sayo pag naasar ka ang sarap sa pakiramdam” nakatikim na naman siya ng kurot hindi lang sa isang parte kundi sa magkabilaang tagiliran. Napaigtad naman ito sa sakit pero balewala pa din patuloy lang ito sa mabilis na takbo.

Tumagal ng 30 minutes ang pagjejetski nila, halos manghina ang dalaga sa kabang naramdaman habang andito, halatang namutla ito sa kaba nawalan ng kulay ang mukha nito. Hindi niya pinapansin ang binata pagkababa sa pangpang.

“Mach wag ka na magalit part yun ng activity natin for today, halika na doon banda sa banana boat ride naman tayo” hinila na niya ang kaibigan papunta sa pwesto ng arkilahan ng banana boat ride.

“Buti na lang hindi ikaw ang magmamaniobra nitong ride na to kung hindi, hindi na talaga ako sasama” masungit na sabi niya.

Naghintay lang sila ng ibang sasama sa ride, kailangan kasi ay mga anim sila. Mabilis naman napuno ang slots at agad na silang sumakay dito.

“Woooh kakaloka feeling ko matutumba tayo” sigaw ni Cham, habang si Brandon ay nakataas lang ang mga kamay at akala mo ay nakasakay sa isang roller coaster.

Sa una ay mabagal lang ang takbo pero habang tumatagal ay pabilis na ito ng pabilis. Hindi magkamayaw sa pagtili si Cham. Kawawa naman ang nasa unahan nito malamang bingi na ito pagbaba.

“Ang sarap gusto ko ulitin yun Mach” nakababa na sila at nagtawanan sila ng mapansin na nakasimangot ang babae na kasabay nila sa banana boat ride na nasa unahan ni Cham. Sumakit siguro ang tenga nito sa lakas ng tili niya kanina.

“Halika na sa next destination na tayo” yaya ni Brandon.

“Hindi ko yata kaya yan Brandon, hindi ako ganoon kagaling lumangoy” pumunta sila sa isang Bangka, magsnorkeling sila.

“Kaya mo yan hindi naman masyado malalim saka may mga kasama tayong expert okay” napakibit balikat na lang si Cham, naisip na niya lang na kailangan niya din subukan ang mga bagay bagay at isang tabi muna ang takot. Mukhang masaya ang next na gagawin nila makakakita sila ng mga isda.

Umandar na ang Bangka papunta sa lugar kung saan sila mag snorkeling.

“Nrab ikaw na lang kaya parang ayaw ko na” kinakabahan na sabi ng dalaga.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon