Chapter 19

1.5K 23 14
                                    

“Bakit ka nanginginig?” tanong ni Ellsworth sa dalaga, kahit nakamotor ay medyo nahirapan silang sumingit sa trapik. Kanina pa niya nararamdaman ng tiyan niya ang panginginig ng mga kamay nito.

“Ah wala first time ko kasi sumakay ng motor, kinakabahan lang ako.” Nahihiyang sabi ni Cham, kahit nakaharang ang bag sa gitna nila ay kinikilabutan pa din siya sa kakaibang nararamdaman mula sa pagkakayakap niya dito.

“Talaga! Gusto mo ba munang kumain doon? Kasi mukhang malala ang trapik ngayon pahupain muna natin.” Yaya nito at itinuro ang natatanaw na isang restaurant malapit kung saan sila inabutan ng trapik.

“Ikaw bahala boss” mahinang tugon nito, agad naman na lumiko na si Ellsworth sa tinurong restaurant at nagparka na. Inalalayan niyang makababa ang dalaga at tinangal na din ang helmet nito.

“By the way if were not in the office especially after working hours I want you to just call me Ellsworth or Ells okay” nabigla naman siya ng hawiin nito ang mga buhok niya na nagulo na pagkatapos nitong tanggalin ang helmet niya sakto naman pagkatapos nito ay nagtagpo pa ang kanilang paningin.

“Okay thanks” nagsimula ng maglakad si Ellsworth at sinundan naman niya ito pagdating sa pintuan ay tumigil ito at pinauna siyang pumasok ng pagbuksan sila ng staff ng restaurant. Napatigil naman siya pagpasok hindi niya alam kasi saan gusto ng boss niya pumuwesto.

“Let’s go” hinawakan siya nito sa may siko niya at itinuro nito kung saan sila uupo. Nagulat naman siya sa epekto ng simpleng hawak nito sa kanya napailing na lang siya. Pagdating sa mesa ay agad naman na inalalayan ni Ellsworth si Cham na makaupo, nginitian naman niya ito at umupo na din ito sa may tapat niya. Inabutan siya nito ng menu at tinanong kung anong gusto kainin.

“Chef Salad na lang sa akin, saka strawberry shake. Thanks” sabi ni Cham ng hingin na ng waiter ang order niya.

“Siya nga pala Cham nasend mo na ba sa email ko ang mga documents na pinapagawa ko sayo?” ngumiti muna siya bago sumagot, first time niyang marinig sa buong araw na ito na tawagin siya nitong sa pangalan niya lagi nalang kasing Ms. Hontiveros ang tawag nito sa kanya masyadong pormal.

“Yes tinapos ko na, akala ko nga umuwi ka na nasa office ka pa pala” nabigla si Ellsworth sa tanong nito nagpaalam nga pala siya ng alas sais, pero naabutan pa niya ang dalaga pasado alas otso na.

“Ah yah may kinausap lang ako sa publishing area medyo napatagal.” Diretso ang tingin nito sa dalaga, samatanlang si Cham ay pinaglalaruan lang ang kutsara na nasa mesa at nakatutok lang ang mga mata sa pinggan.

Dumating na ang mga order nila, tahimik lang na nakayuko si Cham habang kinakain ang salad na order. Hindi na siya nagsalita hindi naman niya alam ano pa isasagot, pakiramdam niya ngayon ay ang awkward lang dahil kanina ay inis na inis siya sa katapat dahil sa pagpapahiyang ginawa nito pero ngayon ay magkasama pa silang naghahapunan.

“Cham” sambit ng binata pambabasag sa katahimikan sa pagitan nila.

“Yes” tumingin siya dito saglit pero bumalik din ang tingin sa pingan niya.

“Sino kasama mo sa bahay? Hindi ba nakakahiya na ihahatid kita?” napalunok siya sa tanong nito, wala naman masama sa tanong nito pero hindi niya napigilan na mapainom sa strawberry shake niya parang naginit ang pisngi niya. Ang weird lang.

“I’m with my two sisters. Siguro naman paglabas natin may masasakyan na siguro ako kahit wag mo na ako ihatid.” Tugon niya at pinagpatuloy ang pagkain.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon