Nagising si Cham na wala si Ellsworth sa tabi niya. Sabado ngayon kaya dito siya natulog sa bahay ng kasintahan. Late na siya nagising galing kasi sila sa victory party kagabi one year anniversary na din kasi simula ng unang nailathala ang men’s magazine nila.
Nagunat-unat muna siya at dumeresto na ng banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay agad niyang napansin ang bagong picture frame na nasa tokador ni Ellsworth.
Litrato nila noong nakaraang kaarawan niya ilang buwan na din ang nakakalipas.
Hindi niya inaasahan ang naging regalo sa kanya ni Ellsworth sobrang kaligayahan ang naramdaman niya dahil doon.
Flashback
“Ate nalulungkot ako kasi hindi makakarating sila itay at inay bukas sa birthday ko” malungkot na sabi ni Cham, andito siya ngayon sa apartment nila galing trabaho. Bukas ay ika 23rd birthday na niya.
Ang sabi ni Ellsworth ay papasyal lang daw sila sa Laguna kasama ang mga Ate niya at ibang piling kaibigan bukas.
“Oo nga busy kasi sila at panahon ng pagtatanim ngayon dalawin na lang natin sila pag nakaluwag ang schedule mo.” Sabi ni Ading habang busy sa pagtetext.
“Si Ate Mylez bakit wala pa?” nagtatakang tanong nito dahil ang isang ate lang nito ang naabutan nito.
“Hindi sumabay sa akin umuwi may date” sagot nito habang patuloy pa rin sa pagtetext kanina pa kasi tumutunog ang celphone nito.
“Really? Buti ikaw walang date?” nakatawang sabi nito.
“Hindi naman ako ininvite pa niya makipagdate kaya ito nga-nga lang dito” medyo naiinis na tugon nito.
Sinama niya kasi minsan ang dalawang ate niya ng magkaroon ng outing ang kompanya nila at kaagad naman nagkaroon ng mga manliligaw ang mga ito. Si ate Mylez niya ay mukhang nagkakamabutihan na sa isa sa mga empleyado nila sa printing, ang ate Ading naman nila ay ang isa sa mga pinakabatang writer nila pero mukhang mahina ito kasi lagi lang silang magkatext at bihira ito yayain lumabas.
“Well baka busy lang siya” sagot niya, tinignan naman siya ng matamlay ni Ading.
“Hayaan mo na siya madami naman ako manliligaw hindi lang siya.” Mayabang na sagot nito.
“Ikaw na ang lapitin ng boys” natatawang sabi nito.
“Syempre collect and collect until you die” wala sa sariling sabi nito.
Naguluhan naman si Cham sa sinabi ng kapatid.
“Baka collect and collect and then select ate?” pagtatama nito.
“Ganoon na din yun. Mamatay sila sa paghihintay sa akin.” Tumawa na rin ito, narealize niya na mali nga ang unang sinabi.
“Ewan ko sayo teh aakyat na nga ako. Maaga ka matulog ah may lakad pa tayo bukas susunduin tayo ni Ellsworth saka itext mo si Ate Mylez na umuwi ng maaga paalala mo ang lakad natin bukas okay” habilin ni Cham tumango lang ang kapatid at umakyat na ito sa kwarto nito. Tinawagan niya muna si Ellsworth bago natulog.
“Baby dito pa ako sa daan medyo trapik but I will just text you pag nasa bahay na ako matulog ka na wag mo na hintayin tawag ko ah.” Bilin ni Ellsworth, medyo nagusap pa sila ng matagal hanggang nakatulog na ng tuluyan si Cham medyo pagod siya sa buong lingo ng trabaho ang dami nilang tinapos at lahat ay rush. Kaya minsan ay kulang ang tulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/11358058-288-k549885.jpg)
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014