Mabilis lang talaga lumipas ang panahon parang kailan lang highschool ka nangangarap ng gusto mo maging paglaki. Ang lagi nga nila tanong sa mga bata Ano gusto mo maging paglaki? Isa ako doon. Nangarap ako na makapagtapos man lang ng kolehiyo pero hindi ko inasahan na sa isang maganda eskwelahan pa at makukuha ko pa ang pinakagusto kung kurso.
“Cham ready ka na ba? Pictorial na natin in 30 minutes sabi ni Sir Mendez” si Joan.
Ngayon ang araw ng pictorial namin para sa graduation pic. Hindi pa rin ako makapaniwala na ito na ako magtatapos na ako with flying color pa. Pag ginusto mo talaga makuha ang pangarap mo lahat gagawin mo para matupad ito. Ganoon nga ang ginawa ko.
“Cham congrats in advance ah ako na mauna ang babati sayo. You deserve to be on top napakasipag mo na bata ka” si Mam Flores ang favorite kung professor. Andito ako ngayon sa classroom habang lahat ay abala sa pagaayos ng kanilang sarili.
“Thank you po Mam, hindi ko rin po to makakamit kung wala pong katulad niyo na nagbibigay sa akin ng lakas at motivation para ipagpatuloy ang nasimulan ko. Ang dami ko pong natutunan sa inyo” Si Mam Flores ang advisor niya lagi siyang tinutulungan nito lalo na nung sa thesis nila.
“Walang anuman alam kong kaya mo to sana sa next chapter ng buhay mo after school makamit mo lahat ng pangarap mo iha, hanga ako sa pursige mo makatapos.” Isa siya sa mga inspirasyon ko katulad ko siya na mahirap lang pero hindi siya natakot na tuparin niya ang pangarap niya kaya siya ngayon ay isa sa pinakamagaling ng guro dito sa school namin.
“Cge iha ikaw ay magayos na masaya ako na isang katulad mo ang naging bahagi ng klase ko. Sana madami pa ang katulad mo ang matulungan ko pagdating ng panahon” niyakap ko siya para na rin siyang tumayong pangalawang nanay ko ng andito ako sa Maynila, kahit mapaloob ng school at labas ay andiyan siya na sumusuporta sa akin.
Sa mga dumaan na taon kong pamamalagi sa Maynila, madami akong natutunan sa buhay madaming dumating na tao rin sa buhay ko at madami din ang nawala. Isa na doon si Brandon para rin siyang si Sharm pinadala sa Amerika para doon magpatuloy ng pagaaral niya. Hindi ko inakala na hindi kami sabay magmamartsa ngayon, hindi kami sabay na tutupad ng pangarap namin. Miss ko na ang mokong na yun. Si Aldwin naman ay tumigil na din sa panliligaw sa akin, sa kadahilanang hindi na niya ako nahintay nakabuntis siya noong first sem ng fourth year kami.
Makakapaghintay naman ang love diba? Alam ko darating din ang tamang panahon at tamang tao para sa akin. Kung hindi ko man naranasan yun ng teenager pa ako, sisiguraduhin ko na sa unang lalaki na magpapatibok ng puso ko sa kanya ko lang ito ilalaan at wala ng iba pa.
“Ms Hontiveros maganda siguro kung ilagay natin sa unahan balikat mo ang buhok mo sa bandang kanan mas maganda” utos sa akin ng photographer para sa graduation pic namin.
“Friend ang ganda mo sa kinalabasan ng picture mo dito, pahingi ako kopya niyan ah” aniya ni Annie.
“Friend were so proud that we have a magna cum laude na friendship, pati kami ay nadamay pa sa katalinuhan mo.” Si Kristine. Masaya ako na pati ang matalik kong kaibigan ay napasama sa top ten.
“Sana paglabas natin ng school ay walang makakalimot sa atin ah, friends pa rin ah” sabi ko at sabay na group hug kami. Maluha luha kaming lahat dahil hindi pa din kami makapaniwala na malapit na kami grumaduate.
Susunduin ko sila inay at itay pati na rin sila Ate Myles and Ate Ading paguwi ko galing school, next week na kasi ang graduation ko. Since wala na din masyadong gagawin gusto ko muna kasi sila ipasyal habang andito sila. Excited na ako makita sila ulit bihira lang kasi ako makauwi dahil sa dami kong ginagawa sa school isabay pa ang trabaho ko.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014