“Cham hindi ka ba sumama sa photoshoot nila Ellsworth?” tanong ng kaibigan ni Cham na si Joe. Andito lang siya sa opisina nila ng binata.
“Hindi masama kasi ang pakiramdam ko.” Walang ganang sagot niya, inabutan naman siya nito ng paborito niyang kape at sandwich.
“Ganon ba friend sana ng undertime ka na lang.” tugon nito at umupo sa tapat ng mesa ng dalaga.
Sa totoo lang ay nalulungkot siya dahil sa nalaman na balita about kay Brandon, anima na buwan na din ang nakakalipas ng huli silang nagkita at ang nangyaring tagpo sa kania. Hindi na talaga ito nagpakita sa kanya. Ibinalita kasi ng dalawang ate nito na babalik na ito ng America para mag-aral ulit.
“Ok lang ako Joe unting oras na lang naman eh. Thanks pala dito.” Pinagpatuloy naman ni Cham ang pagbabasa ng magiging next project nila para sa magazine habang nakikinig sa mga kwento ni Joe about sa boyfriend nito.
Nakatitig siya sa laptop niya pero lutang naman ang utak niya. Pati ang mga sinasabi ng kaibigan ay hindi niya naiintindihan, tumatango lang siya at napapangiti pero hindi naman siya nakikinig talaga.
“So yung nga friend grabe talaga ang sweet ng boyfriend ko diba? Akalain mo yun pinakilala na niya ako sa mga kapatid niya.” Masayang kwento ni Joe.
“I’m happy for you Joe.” Tipid na tugon niya.
“Naman ang saya ko talaga, how about you friend kamusta naman na kayo? Napakilala mo na ba siya sa parents mo? Or ikaw ba napakilala ka na ba niya sa parents niya?” usisa nito.
“Hindi pa eh” nakangiting sabi nito.
Wala pa silang chance na makauwi sa Mindoro, binabalak na din nila na magpunta doon dahil gusto na daw makita ni Ellsworth ang magulang ng dalaga pero naging busy ang binata sa mga nakaraan lingo dahil sa success ng magazine na nilaunch nila, kabi-kabilaan ang mga meeting nito sa iba’t ibang gustong maging sponsor at partner nito.
“Sabagay nasa US yata ang parents niya ano. Well sige friend tapos na ang lunch break ko gora na muna ako at ang dami ko pang gagawin para sa next month edition ng magazine. Kita kits laters” nagpaalam na si Joe si Cham naman ay naiwang nakatulala lang.
Ngayon niya naramdaman ang pagkaulila sa kaibigan na si Brandon, habang nakatitig sa screen ng laptop niya nakikita niya ang mukha ng kaibigan na nakangiti sa kanya, nagbalik tanaw ang mga masasaya nilang alaala simula pa ng nag-aaral pa lang sila. Hindi niya ba alam pero nalulungkot siya sa paglisan nito. Tinupad nito ang gusto niya na wag magpakita sa kanya simula ng huling komprontasyon nila.
Kung natuturuan lang siguro ang puso niya kung sino ang dapat niya mahalin, wala naman problema kay Brandon kaya lang ay nagsimula sila sa isang relasyon na hindi niya kailanman kayang mawala. Matalik niya itong kaibigan, malaki ang tiwala niya dito. Siya ang taong laging nandyan sa tabi niya simula pa lang ng una nilang pagkikita noong college sila magaan na ang loob niya dito. She never expected that it will come to the point that their situation will be this complicated.
Napayukod siya sa mesa niya, naramdaman na naman niya ang sakit habang naalala ang mga pag-iyak ni Brandon ang pagsusumamo nito ang pagmamakaawa nito sa kanya. Ayaw niyang saktan ang kaibigan ramdam niya ang pagmamahal nito sa kanya. Pero para sa dalaga ay hindi tama.
Natapos ang pagmumuni-muni niya ng nagring ang cellphone niya. Si Ellsworth.
“Baby I miss you bakit kasi hindi ka dito sumama eh.” Bungad ni Ellsworth.
“Sorry po I’m not feeling well eh. Ang bigat ng pakiramdam ko.” Mahinang tugon nito, ramdam naman ni Ellsworth ang tamlay sa boses nito.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Любовные романы♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014