A/N:
3 more chapters left after this. I will write Cham’s POV this time no more 3rd person POV. We all wanna know how she really feels right?
“Mommy I really saw Uncle Thor let’s look for him” ang kulit ng anak ko, naghihilahan kami ngayon talagang pinipilit niya na nakita niya yung sinasabi niya na Uncle Thor. Naiinis na ako sa Uncle Thor na yan lagi kasi yan kinkwento ng anak ko ng nasa Paris kami, bakit pati dito sa Pilipinas ay andito siya.
“Baby we need to hurry Lola and Lolo are waiting for us.” Agad naman siyang sumimangot at nagmamaktol na naglakad, sa wakas ay hindi na pahirapan ang paglalakad niya muntik ko na siyang buhatin pag hindi pa siya nanahimik sa pangungulit.
“I just want you to know Uncle Thor Mommy that’s all but you don’t want to I guess.” Aba, nagtatampo pa ang baby ko. Tumigil ako sa paglalakad at umupo para mapantayan ko ang anak ko. Mukha na kasi siyang paiyak.
“Baby listen okay? I wanna meet him of course but not now we need to go to a far place where Lola and Lolo live and it will take few hours so please understand, I will definitely want to know him but not now okay?” nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na ang cute na ngiti ng anak ko, nakakatunaw kasi ng puso pag nakikita ko siyang malungkot. Parang nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya pag malungkot. Sumakay na kami sa kotse ng asawa ni Ate ihahatid niya kami sa Batangas pier pauwi sa Mindoro kami lang nila Ate pala ang uuwi kasama ng anak niya hindi pa kasi pinayagan magleave ang asawa nito.
Bago kami makarating sa Batangas ay tumawag na sa amin si Brandon at nangangamusta. Madaling araw ngayon doon kaya sabi ko sa kanya ay magpahinga muna siya at mamaya na lang siyang tumawag anim na oras kasi ang pagitan ng oras doon dito sa Pilipinas. Nakatulugan na din ni Chelsea ang pakikinig sa music player niya.
“Cesar maraming salamat sa paghatid sa amin ah sunod ka if pinayagan ka magleave.” Habang papunta kami dito sa Batangas ay nakwento nito na balak ulit bilhin ni Tito Alberto ang Benavidez Publishing hindi nabanggit sa akin ni Sharm ang tungkol dito marahil ay hindi din niya alam.
Yung daddy kasi ni Ellsworth ang nagdecide na i-auction na lang ang kumpanya dito sa Pilipinas since hindi na daw niya ito kayang patakbuhin mas pinili daw nito na ipagpatuloy ang business sa America at medyo nitong mga nakaraan kasi na buwan ay medyo humihina ang kita ng publishing.
“Anong balak mo Cham? Ilang lingo mo ba balak manatili dito?” tanong sa akin ni Ate Ading, andito na kami sa loob ng barko, tulog na tulog pa din si Chelsea ngayon niya yata naramdaman ang pagod.
“Hindi ko pa alam ate gusto ko rin bumawi kina inay at itay ang tagal ko na hindi sila nakita.”
“Kamusta naman ang Ate Mylez don? Ikaw kamusta kayo ni Brandon?” usisa niya sa akin.
“Ayos lang si Ate doon at okay naman kami ni Brandon.” Hindi ko matignan ng deretso si Ate para kasing hindi siya kontento sa sagot ko. Hinaplos ko na lang ang buhok ng anak ko na himbing na himbing.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014
