Chapter 8

1.6K 28 16
                                    

Ayaw pa sana bumangon ni Cham dahil napuyat siya sa kakaisip, kakaisip sa mga kinikilos ng kaibigan na si Brandon mabigat ang katawan niya na tumayo at nagsimulang magayos ng sarili. Pagbukas niya ng pinto ay siyang bungad naman ni Manang Ynez.

“Good morning iha, sakto pupuntahan na sana kita dahil may bisita ka. Kumain ka muna ng agahan bago ka pumasok.” Sinara niya ang pinto at sabay na sila bumaba ni Manang Ynez.

“Sige po salamat” pagbaba niya ay nabungaran niya kaagad si Brandon sa sala.

“Good morning Mach” ang laki ng ngiti nito pagkakita kay Cham.

“Oh ang aga mo naman” tumayo ang dalaga at iniabot ang isang bouquet ng white roses may kasama pa itong isang box ng brownies.

“Salamat halika kain muna tayo ng breakfast nagluto si Manang” tinalikuran siya agad ni Cham at sumunod naman agad siya papuntang kusina.

“Manang sabay ka na po sa amin kumain.”  Umupo na ang dalawa at sinimulan ng kumain.

“Nga pala iha tumawag si Sharm kanina hindi ka daw kasi nasagot sa cellphone mo sabi ko tulog ka pa. Magmessage ka daw sa kanya pagdating mo sa office importante lang daw.”

“Sige po manang salamat.” Mabilis lang siyang kumain dahil alam niyang madami na siyang pending na gawain sa trabaho, wala kasi siyang narereceive na text man lang galing sa opisina sinabihan niya kasi ang mga katrabaho na baka magout of town siya noong nakaraan kaya siguro hindi siya inabala.

“Nrab san ka na? Papasok na ako sa office” tanong niya sa binata pagkatapos nila kumain naglakad na sila palabas ng bahay.

“Ihahatid muna kita sa work mo tapos ako naman magsisimula na ako sa work ko sa Makati branch namin ako na mamahala ngayon doon starting today.” Nabigla ang kaibigan sa sinabi ng binata, hindi niya alam na magstay na ito for good dito sa Pilipinas.

“Wow I’m so happy for you akala ko your just here for a vacation” umiling ang binata at pinagbuksan na ng pinto ng kotse si Cham.

“No I’m here for good. “ inistart na nito ang makina ng kotse at masayang tinignan si Cham.

“That’s good to know Nrab”

“Kaya araw araw na kitang susunduin or hatid kung okay lang sayo?” napaubo naman si Cham sa tanong ng kaibigan.

“Ah hindi okay, kasi you have a job to attend okay lang ako.”

“Please Mach let me do that for you I have my own time sa work ko gusto ko lang safe ka lagi” napakibit balikat na lang si Cham.

Andito na sila sa opisina ni Cham, hindi talaga papapigil si Brandon hinatid pa niya talaga ang dalaga hanggang makapasok ito sa sariling opisina niya.

“Okay na ba Nrab? Nakaupo na ako oh eto magsisimula na ako ng trabaho ko? Safe naman na ako diba?” sarkastikong sabi ni Cham sa binata sabay tawa.

“Oo na Mach ayaw ko pa nga umalis kaya lang baka makaabala na ako sayo, mamayang lunch pupuntahan kita dito okay.” Namilog ang mata ng dalaga.

“Hoy Nrab first day mo sa work mo kaya magfocus ka don ayos lang ako dito.”

“Basta! sige aalis na ako see you later Mach ko” sabay kindat nito sa kaibigan at umalis na, hindi na nakapagsalita ang dalaga.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon