“Bes yung totoo kayo na ba ni Brandon?” mausisang tanong ni Sharm sa kaibigan.
Andito sila ngayon sa Baguio, naurong ang Welcome party nila dahil gusto na kaagad maggala ni Sharm medyo mainit kasi ngayon sa Maynila. Silang apat ang nandito ngayon kasama si Rico.
“Bakit mo ba natanong bes? Diba sinabi ko na sayo na friends lang kami” andito sila ngayon sa Burnham Park at nagarkila sila ng mga bisekleta.
“Bes ramdam ko lang” naguunahan sila sa pagpapatakbo ng bisekleta samantalang sila Brandon at Rico ay nakaupo lang mga pagod kasi sa pagdrive nagpalitan kasi sila sa pagmamaneho papunta dito. Paminsan-minsan ay kinukuhaan sila ng picture ni Brandon.
“Bes wag masyadong malikot ang utak mo, magkaibigan lang kami okay” nginitian niya ang kaibigan at mabilis na pinatakbo ang bisekleta niya.
Hingal na bumalik ang dalawa sa kinauupuan ng dalawang binata. Pinunasan naman kaagad ni Brandon ang pawis ni Cham sa noo nito.
“Thanks Nrab napagod ako, ang bilis kasi humabol nito ni bes” agad naman nagyaya si Sharm na sumakay sa mga Bangka.
“Cham amin na ang kamay mo” inilahad naman ni Rico ang kamay nito para alalayan sa pagsakay si Cham sa Bangka. Pagkasakay nito ay agad naman na pinaupo ito ni Brandon sa tabi nito. Napailing na lang si Rico kanina pa siya naasar kay Brandon dahil hindi siya makalapit kay Cham.
“Kuya bakit naman nakabusangot ka diyan tulungan mo si Brandon magsagwan para makapunta tayo sa dulo” pangaasar pa nito.
Pagkatapos nila sa Burnham park ay dumeretso naman sila sa Wright park. Excited naman na lumapit si Cham at Sharm sa mga kabayo iba’t ibang kulay ang mga ito. Nagpakuha pa sila ng picture kay Brandon.
“Nakakatuwa bes may kulay pink talaga na kabayo. Sakay tayo ah” anyaya ni Cham sa kaibigan.
“Halika Cham samahan kita” hinila siya ni Rico at pumunta kaagad sa nagpapaarkila ng kabayo.
“Ilang kabayo po sir?” tanong ni Manong kila Rico.
“isa lang po dalawa po kaming sasakay” napatingin naman si Cham kay Sharm at Brandon na kumukuha na din ng sarili nilang kabayo.
“Rico bakit isa lang? Pwede naman siguro na tig-isa tayo sumakay ng kabayo diba?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ka naman marunong mangabayo kaya sama na tayo sa isang kabayo.” Wala ng nagawa si Cham tinulungan na siya ni Rico umakyat sa kabayo at sumunod na ito. Siya ang nasa unahan. Nginitian naman niya si Brandon ng nagtagpo ang paningin nila. Nabigla naman ng tumango lang ito at iniiwas ang mga tingin niya sa kanilang dalawa ni Rico.
“Cham ang bango mo” napakislot ang dalaga sa bulong ni Rico na nasa likod nito. Inilapit pa nito ang mukha nito sa may tenga niya.
“Hoy Rico manahimik ka nga diyan” hindi pa nakuntento si Rico niyakap pa niya ito mula sa likod. Napalunok naman si Cham sa ginawa ng binata. Nakita naman niya na nilingon sila ni Brandon nakita niya ang pagkunot ng noo nito at agad naman inalis ang tingin sa kanila. Nagulat naman siya ng tumawa si Rico.
“Rico tanggalin mo nga yang mga kamay mo sa akin.”
“Bakit wala naman magseselos hindi naman kayo ni Brandon diba?” sunod –sunod na lunok ang ginawa ni Cham dahil lalong humigpit ang yakap ni Rico sa kanya.
“Tanggalin mo na yan o ihuhulog kita dito” inis na sambit ni Cham.
“Wala naman masama sa ginagawa ko diba?” kinilabutan lalo si Cham dahil ipinatong na ni Rico ang ulo nito sa balikat niya.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014