Chapter 24

1.4K 33 17
                                    

Hindi na namalayan ni Cham at Ellsworth kung gaano katagal nila dinama ang halik sa isa't isa. Basta ang alam lang nila ay pareho silang masaya. Mas makikita naman ang lubos na kaligayahan lalo na kay Ellsworth.

Ang alam ng binata ay malaki ang mga magiging role ng dalaga sa buhay niya the moment she saw Cham pa lang and he knew that he can protect this helpless woman. May mga kurot kasi sa dibdib niya tuwing nakikita itong malungkot at umiiyak.

Nakangiting tinapos ni Ellsworth ang pag-angkin sa mga labi ni Cham. Pero nagulat siya ng may mga patulong luha sa mga mata nito.

"Sorry If I'm being fast. Hindi ko lang mapigilan" nag-aalalang sabi nito kay Cham at agad naman na pinahid ang mga luha nito.

Tahimik lang si Cham at patuloy pa din ang pagluha. Hindi niya alam kung malulungkot ba siya or matutuwa sa itsura ni Ellsworth na mukha na talaga nag-aalala.

"Yam tell me what's on your mind. Please" napakunot naman ang noo ni Cham sa narinig. Hindi niya alam if tama ang narinig. Napaisip siya baka nagkamali ito ng pangalan ng ibang babae niya.

"Yam what now? Please talk to me" hinawakan pa ni Ellsworth ang magkabilang pisngi niya.

Tumaas ang kilay ni Cham. Hindi na nga siya nagkamali ng pagkakarinig hindi nga Cham ang narinig.

"Sorry Cham kasi ang pangalan ko hindi YAM!" inis na sabi ni Cham na may pagdidiin sa huling sinabi.

"Hmm kaya pala ikaw sumimangot ano? So you think nagkamali ako ng sabi?" nakangising tugon nito. Inirapan naman siya ni Cham at biglang tumalikod naglakad papunta sa upuan.

"You Are Mine" sigaw ni Ellsworth at agad na sinundan si Cham na nakaupo na.

Tinignan naman siya nito na may pagtataka pa din.

"YAM is you are mine. Right?" napapahiyang natawa naman si Cham sa sinabi ni Ellsworth habang nakaluhod na nakatapat sa kanya.

"Ang korny mo hindi na bagay sayo ang mga ganyan ah. Last mo na yan" sabay silang nagtawanan, akala talaga ni Cham ay nagkamali na talaga si Ellsworth sa pagbanggit ng pangalan niya.

Hinawakan siya ni Ellsworth sa dalawang kamay niya at hinalikan ito ulit. Sabay iniangat ang ulo nito at tinitigan siya ng mga malaking ngiti.

"Pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging teenager bigla na lang pumasok sa isip ko yung YAM na yan. But it feels good everytime I'm telling it to you." Napilitan naman na ngumiti si Cham dahil kung hindi baka lamunin na siya ng dibdib niya sa sobrang kabog.

Ito na ba yung sinasabi nilang kilig?

Kung kilig ang nararamdaman niya mas malala pa pala ito na sumakay siya sa isang rollercoaster mag-isa.

Takot at tuwa ang nararamdaman niya kasi. Pero hindi man niya aminin mas lamang ang masayang pakiramdam.

"Bakit ayaw mo na magsalita? Teka siguro gutom ka na noh?" tumayo ito at inayos ang sarili. Nagpaalam ito na papasok lang sa loob at kukunin ang pinahandang pagkain.

Pagtalikod pa lang ni Ellsworth ay nagpakawala na si Cham ng malalalim na hininga. Ngayon niya lang naramdaman ang parang nauubusan ng hininga. Tumayo siya at lumapit sa pool ang gandang tignan nito kumikinang ang mga tubig dahil na din sa mga floating candles na andito. Isinasawsaw niya ang kamay dito at pinaglaruan ang tubig.

Pagkarinig niya sa yabag ni Ellsworth ay agad siyang tumayo at bumaling dito. Dala nito ang mga pagkain at nasa likod nito si Nanay Mitring.

"Hello good evening po Nanay" bati niya sa matanda na naglalapag ng mga pagkain sa bakanteng mesa.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon