Chapter 14

1.5K 27 16
                                    

“Manang pakigamot naman yang babaeng yan napakatanga kasi ayan nabagok na yata” maawtoridad na utos niya sa kasambahay.

“Iho hindi ba masyadong pahirap na ang ginagawa mo, kawawa naman siya.” Pinunasan ng matanda ang mga dugo sa mukha at ulo ng dalaga. Wala itong malay ng maabutan niya ng tinawag siya nito kanina.

“Manang wala po akong awa sa mga katulad niya, bagay lang sa kanya ang nangyari sa kanya” nagulat siya sa inasta ng alaga, hindi niya lubos maisip na bakit kailangan humantong ito sa ganitong karahas, ni minsan ay hindi niya nakita na gagawa ito ng ganitong bagay lalong lalo na sa isang babae.

“Sana lang iho hindi mo pagsisihan sa huli ang mga ginawa mo, alam ko malinis pa din ang kalooban mo walang magandang idudulot yang pagiging matigas mo at ang pagtatanim ng poot sa puso mo.” Sobrang awa talaga ang nararamdaman niya sa babaeng ginagamot niya, punong puno ito ng pasa sa buong mukha nito, sugat sa mga binti at nakakapanlumo talaga itong tignan, sana lang ay magising ito kaagad.

“Manang pasensya na but I don’t need your sermon right now, walang puwang ang awa ko ngayon sa puso ko. You know what I’ve been thru, you know where this grudge coming from. Don’t blame me if this is the best thing I can do.” Pinagpatuloy na lang ng matanda ang pag-gagamot sa dalaga, nagbago na talaga ang alaga niya hindi na siyang kayang pakinggan nito.

Lumabas na ang lalaki sa silid ng dalaga pagkalabas palang niya ng silid ay lahat na ng makita niyang gamit ay pinagbabato, pinagdiskitihan niya ang mga plorera sa gilid at pinaghahagis itong lahat. Gusto niyang ibuhos lahat ang sama ng loob, gusto niya makita lahat ng gamit na masira. Gusto niya ganito ang mangyari sa babae, maupos siya na parang kandila at unti-unting masira. Lahat ng poot niya at hinanakit sa puso niya gusto niya ibuhos dito lahat.

 Kulang pa ang mga sakit niya sa katawan para iparanas dito kung gaano kasakit ang nararamdaman niya. Hindi pa sapat ang lahat ng ginawa niya para pagbayaran niya ang utang niya dito. Pagpasok niya sa loob ng kwarto niya ay buong lakas siyang sumigaw, pinagsusuntok niya ang pader paulit-ulit hanggang hindi na niya nararamdaman ang sakit na dulot nito.

***

DAY 12

“Iha buti naman nagising ka na.” bungad sa kanya ng matandang babae na kasama nila dito. Ang sakit ng ulo niya parang binibiyak ito sa sobrang sakit.

“Ang sakit po ng ulo ko.” Hinawakan niya ang ulo at nagulat siya ng may makapang benda. Tinignan niya ang matanda na at humihingi ng paliwanag bakit may ganito siya sa ulo niya.

“Iha wag ka muna masyadong magalaw, kumain ka muna para magkaroon ka ng lakas at makainom ng gamot. Halos dalawang araw ka din walang malay nagigising ka paminsan-minsan pero hindi naman nagtatagal.” Nagpaalam ito saglit at kukuha lang daw siya ng makakain niya.

Pinilit niyang makaupo sa kama, sumandal siya sa ulunan ng kama at pilit na inalala kung ano ba ang huling nangyari sa kanya. Masakit ang buong katawan niya at ang dami niyang galos sa binti at paa. Naalala na niya ang huling tagpo nila ng lalaki inihagis siya nito ng sobrang lakas at tumama ang kanyang ulo sa pader. Laking pasasalamat na lang niya at buhay pa siya ngayon. Buhay nga siya pero parang pakiramdam niya ay wala na siyang kaluluwa, parang humiwalay na ito sa kanyang katawan.

Napaurong siya at nagulat sa taong iniluwa ng pintuan. Pinipilit niyang umusog papunta sa dulo ng kama pero wala na siyang lakas.

“Please wag mo ako sasaktan” inunahan na niya ang lalaki, hawak nito ang isang tray ng pagkain.

“Wag ka ngang OA diyan kumain ka na diyan, pag medyo magaling ka na saka tayo maglalaro ulit.” Mahinanong tugon nito, inilapit ng lalaki ang isang maliit na mesa sa tabi ng kama at inilapag ang tray ng pagkain.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon