Chapter 38

875 16 9
                                    

Tatlong lingo na pero hindi pa din nauwi si Ellsworth, para namang mababaliw na si Cham sa lungkot minsan na lang ay naiisip niya na unti na lang ay pwede na siyang maging si Sisa. Kinakausap niya lagi si Chamells. Iniimagine na si Ellsworth ang kausap hindi alintana na baka mamaya sumagot na ito sa kanya.

“Kainis yang tatay mo Chamells, buong araw na hindi tumatawag hindi ko naman makontak pagalitan mo yan paguwi ah. Nakakabanas!” buong lakas na binalibag ang sarili sa kama. Kagagaling lang niya sa trabaho biyernes na naman. Another hell week for her. Another week without him, for the past few days bihira siya tawagan ni Ellsworth laging sinasabi na busy ito sobrang daming ginagawa, daming hinahabol para makauwi na siya.

“Diba sabi nila wala namang busy na tao na hindi makaalala ng mahal nila. Ano ba naman yung limang minuto ng panahon niya para tawagan ako mahirap ba yun Chamells? Sagutin mo nga ako?” inis na ungot niya sa teddy bear.

Akala mo isang buhay na nilalang ang teddy bear dahil pati ito ay makikita ang lungkot sa mga mata. Pakiramdam ni Cham ay pati ito ay nararamdaman ang kalungkutan at parang dinadamayan siya nito.

“Buti pa ikaw nandyan ka lang, niyayakap mo ako pinapagaan mo ang pakiramdam ko pero ang tatay mo wala na nga sa tabi ko parang wala na siyang pakialam sa akin.” May tampo sa mga pananalita nito. Kanina pa siyang umaga natawag dito kung hindi nagriring lang tapos noong tanghali ay nakapatay naman ang telepono nito, nakailang email na din siya wala pa din. Until now naka off padin ang cellphone nito.

Muntik na siyang mapatalon sa pagkakahiga ng marinig na tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong binuksan ang laking dismaya niya ng number lang ang lumabas mula rito.

“Never lie to someone who trust you, never trust someone who lies to you…”

Napakunot ang noo niya. Nagsisimula na naman ang mga text ng unregistered number hindi pa rin niya magets ano ang mga ibig sabihin nito. Iniisip na lang niya na baka wrong send lang ito.

Humiga siya ulit at nagisip-isip habang nakatitig sa kisame. Tumunog na naman ang cellphone niya.

“Sometimes, the person you'd take a bullet for ends up being the one behind the gun”

Naiirita na siya, sa sobrang inis ay nagtabong siya ng unan sa mukha niya. Ano bang kalokohan ng mystery texter niya at lagi na lang ang daming tinetext na para sa kanya ay wala namang kabuluhan.

Nanahimik na to eh. Bumabalik na naman, tatayo na sana siya balak niyang manood na lang tv sa sala ng tumunog na naman ang cellphone niya.

“Magandang gabi Cham, si Nanay Mitring ito. Busy ka ba? Hindi ka na kasi dumadalaw dito baka pwede mo naman ako puntahan nalulungkot ako dito mag-isa kung wala ka lang naman ginagawa.”

Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Bakit nga ba hindi niya dinadalaw ang bahay ni Ellsworth. Andun nga pala si Nanay Mitring, agad siyang nag-ayos at napagpasyahan na doon matulog kina Ellsworth. Nireplayan niya ito na pupunta na siya.

Nagpaalam siya sa dalawang ate niya at pumayag naman ang mga ito. Nagtaxi na lang siya papunta kina Ellsworth.

Goodevening Manang, sensya na hindi na kita nadalhan ng pasalubong nasa bahay na kasi ako ng nagtext ka” nakangiting bungad niya ng pagbuksan siya nito ng gate. Agad naman siyang niyaya nito sa loob.

“Ayos lang iyon iha, kumain ka na ba? Halika sabayan mo ako hinintay kasi kita para sabay tayo kumain.” Yaya nito, dumeretso sila ng kusina. Wala kasi siyang ganang kumain kanina dahil nga sa hindi niya makontak si Ellsworth, pero parang nagutom siya sa amoy ng luto ni Nanay Mitring masarap kasi ito magluto.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon