Chapter 49 Part 1

729 24 15
                                    

Nagpaalam na si Nanay Mitring sa akin at dinala na ang mga pinagkainan namin sa dirty kitchen naiwan akong nakaupo dito ang daming tumatakbo sa isip ko mga sinabi sa akin ni Nanay. Bakit ba kailangan ko pang maramdaman ulit ito? Ang pakiramdam na sobrang sakit! Bukod sa andito ako sa lugar kung saan once naging impyerno ang buhay ko. Andito din ang taong sobrang minahal ko noon at the same time ang taong nagpahirap sa akin ng sobra-sobra.

Takot akong lumabas ng dining area dahil paglabas ko alam kong maaring magbalik-tanaw sa akin ang mga panahon na andito ako at hirap na hirap dahil sa kasalanan ng ibang tao na wala naman akong kinalaman. Lahat na ng pagmamalupit na hindi ko inasahan kahit minsan dito ko lahat naramdaman yun, bakit ba kailangan ako magpabalik-balik dito?

Dito sa lugar na din ito ko lahat nalaman ang lahat ng lihim ni Ellsworth. Ang araw na sana ay isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko lahat yun naglaho dahil sa bangungot ng nakaraan ko na muling bumalik sa araw na yun. Naisip ko na din dati na kung hindi ba nabunyag ang lihim ni Ellsworth magiging masaya kaya ako ngayon? Minsan naisip ko yun na sana hindi ko na lang nalaman, na sana naging lihim na lang siya na pwedeng ibaon sa limot. Pero wala talagang lihim na hindi pwedeng hindi mabunyag, pero bakit naman ang tungkol pa kay Ellsworth.

Nilakasan ko na ang loob ko at lumabas ng dining area mag-isa. I took a deep breath ng nasa sala na ako, I can imagine myself being slapped hard by him here. I closed my eyes and continue walking nang imulat ko na ang mga mata ko I can’t help but to sigh I once again stepping on this stairs. Ang hagdan kung saan niya ako kinakaladkad once again I can feel the pain dito rin ako nalaglag mula sa taas ng minsan ay tinakasan ko siya. Mabigat ang pakiramdam ko habang inaakyat ang hagdan, lahat talaga ng ala-ala dito ay masakit, sobrang sakit.

It took me maybe 20 minutes to finally reach the room where I slept yesterday. Bakit para itong isang achievement thank god that I made it here. Sabi ni Ellsworth ay may mga damit siyang hinanda sa akin so I open the closet and I’m shocked with what I found out puno ang closet ng iba’t ibang damit pati ang katabi nito na shoe rack ay puno din ng iba’t ibang sapatos at sandals. Parang pinaghandaan niya talaga ito. I decided to take a bath first pati dito sa banyo ay naalala ko ang mga panahon na paliliguan ko ang sarili ko na punong-puno ng mga pasa sa mukha ko, sa braso at sa binti.

Sa wakas ay natapos na din ako mag-ayos nahihilo na ako sa sobrang daming alaala na pumapasok sa ulo ko. Bumaba na ako para tignan kung ano na ginagawa nila Chelsea, I wore my sunglasses ayaw kong makita ni Chelsea na namamaga ang mga mata ko observant pa naman ang bata na yun napili ko lang ang isang above the knee na floral dress at white na tsinelas.

I feel so relieved right now ng makalabas ako ng bahay na wala ng masyadong naiisip at pumapasok sa utak ko. Naubos na siguro kanina. Biglang nawala lahat ng bigat ng dibdib ko ng makita ko ang anak ko na tuwang-tuwa na kasama si Ellsworth habang gumagawa ng sand castle.

“Uncle Thor do we have a princess that will live here in our sand castle?” narining kong tanong ni Chelsea, hindi nila masyado naramdaman ang presensya ko dahil nakatalikod silang pareho sa akin.

“Yes there will be a king, queen and their little princess .” Agad na sagot ni Ellsworth, patuloy lang siya sa paghuhulma ng haligi ng sand castle habang si Chelsea ay naghuhukay ng mga buhangin.

“Wow awesome, a one happy family indeed.” Napatigil naman si Ellsworth sa ginagawa at nagulat ako ng hagkan nito ang anak ko and he give her a kiss on her forehead. Chelsea responded with a so happy smile. Magkasundo talaga sila.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon