Chapter 41

799 19 7
                                    

“Ate pahingi naman ako tubig” utos ni Cham, napaupo siya ng bigla siyang nahilo.

“Eto oh? Ano ba nararamdaman mo?” nag-aalalang tanong ni Ading pagkatapos iabot ang isang basong tubig.

“Nahihilo ako ate ang init kasi. Kanina pa kasi ako ikot ng ikot naglilinis ako ng bahay.” Paliwanag ni Cham, kakauwi lang din kasi ng dalawang kapatid galing sa trabaho. Dalawang araw na lang ay kasal na niya kaya simula ngayon ay nakaleave na siya para makapagpahinga.

Hindi muna siya natutulog kina Ellsworth, since malapit na naman ang kasal hihintayin na lang nila ito para legal na talaga ang pagtulog ni Cham sa bahay ng kasintahan at nahihiya din siya sa parents nito. Since doon sila lumalagi simula ng dumating sila dito sa Pilipinas.

“Mahihilo ka talaga niyan grabe linis ng bahay oh. Buong araw mo yata ito nilinis eh.”

“Wala kasi magawa eh kaya naglinis na lang ako. Nababagot kasi ako.” Mahinang sagot niya pakiramdam niya ay umiikot talaga ang mundo niya naghalo-halo na ang pagod at init. Napasandal ang ulo niya sa pader at ipinikit ang mga mata.

“Wala pa pala luto sige magpahinga ka muna diyan. Magluluto lang ako hapunan natin.” Nagasikaso na ang dalawang ate ni Cham para magluto ng hapunan. Naisipan ni Mylez na mag-adobo na lang.

“Ate bulok na yata yang karne na niluluto mo? Ang baho.” Reklamo ni Cham, tumayo ito habang nakatakip sa ilong nito. Umakyat na lang ito ng kwarto niya ng hindi na makayanan ang amoy.

“Anong problema nun? Kabibili lang ng karne na to kahapon bulok daw? Dahil siguro sa hilo niya kaya nagkaganyan ang pang-amoy niya.” Nakangusong sabi ni Mylez.

“Ang bango nga ng luto mo eh. Hayaan mo na yun pagod lang siguro yun” sabi ni Ading habang nakalapit ang mukha sa niluluto ni Mylez at inaamoy ang luto nito.

Padabog na inihiga ni Cham ang katawan sa kama grabe talaga ang hilo niya kakaiba madalas siyang mahilo ngayon marahil dahil sa sobrang init. Papasok na kasi ang summer at talaga naman ang init kahit saan magpunta.

“Tao po!”

“Oh ikaw pala yan Ellsworth, pasok ka.” Salubong ni Ading.

“Si Cham?” bungad nito. Sabay abot ng dala nitong pizza at ice cream.

“Akyatin mo na lang doon sa kwarto niya masama ang pakiramdam naglinis ba naman ng buong bahay” sumbong ni Mylez, Napailing na lang si Ellsworth at sinenyasan ang dalawa na aakyat siya.

Dahan-dahang binuksan ni Ellsworth ang pintuan ng kwarto ng dalaga. Nakatagilid itong nakahiga habang yakap ang teddy bear nila na si Chamells. Natuwa naman siya ng lihim sa nakita. Mukhang tulog ito dahil hindi naramdaman ang pagdating niya.

Pumunta siya sa may harapan nito at tahimik na pinagmasdan ang kasintahan, mukhang pagod ito at himbing na himbing hindi niya naiwasan na haplusin ang pisngi nito.

“Ate naman eh ang baho ng adobo mo dinala mo pa dito.” Ungot ni Cham habang nakapikit pa din. Napakunot naman ang noo ni Ellsworth. Nanaginip yata ang kasintahan pero naalala niya na adobo nga ang niluluto ng ate nito sa baba.

“Umalis ka dito sa harap ko ang baho” reklamo nito ulit.

Dinampian ng halik ni Ellsworth si Cham sa mga labi nito. Ang cute tignan nito dahil sumimangot ito ng humiwalay ang labi niya dito. Unti-unting nagmulat ng mata niya si Cham.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon