Halos araw araw si Cham sundo’t hatid ni Brandon, everyday ay may dala itong flowers sa kanya sa umaga pa lang pagdating nito may dala na itong iba’t ibang klase ng bulaklak, pagsundo galing sa opisina may dala din itong bulaklak halos mapuno na ang kwarto ng dalaga sa sobrang dami na. Everyday din itong may dalang cakes, chocolates, brownies, cupcakes at kung madami pang mga matatamis, pakiramdam niya ay magkakadiabetes na siya sa dami ng matatamis na binibigay nito. However kahit ganito ang ginagawa ng kaibigan hindi naman ito pinagisipan ng kung ano ni Cham baka gusto lang siya nito bigyan, walang malisya.
“Mach diba sa Sabado na ang uwi ni Sharm, nabanggit mo sa akin noong nakaraan?” andito sila ngayon sa Mall na malapit lang sa opisina nila Cham.
“Oo kaya nga ako nagpasama sayo kasi bibili ako ng mga gagamitin ko pagdedesign ng kwarto ni bes, gusto ko masurpresa siya pagdating niya.” Masayang sambit nito, naglalakad na sila papunta sa bilihan ng iba’t ibang klaseng gamit na pwede niya gamitin sa pagdedesign ng kwarto ni Sharm.
“Sino naman ang kasama niyang uuwi dito? Sila bang lahat?”
“Oo lahat sila dito na din ipagpapatuloy ni Tita ang pagpapagamot niya.”
“That’s good to know miss na miss mo na yung bestfriend mo diba?”
“Korek, halika Nrab nakita ko na yung store” hinila siya ng dalaga at kita dito ang pagkaexcited na mamili ng mga gagamitin nito sa kwarto ni Sharm.
Madami din nabili si Cham rugs, carpet, mga kurtina, lampshade, comforter, bed sheets, stickers, mga frames, mga butterflies wall décor pati na iba’t ibang kulay na bean bags.
“Ang dami naman niyan Mach sigurado ako matutuwa si Sharm diyan”
“Oo sana magustuhan niya, favorite niya ang mga butterflies tapos magpapaprint ako ng mga pictures namin kaya may mga frames ako binili hugis butterfly din ang cute diba?” parang bata si Cham na excited na gawin ang kanyang project sa school.
Hinatid na sila ng tauhan ng store sa parking lot dahil sa sobrang daming binili ni Cham ay napagpasyahan nila muna na ilagay ito lahat sa kotse ni Brandon.
“Mach maaga pa naman do you want to watch a movie?” napatingin lang sa kanya si Cham na parang nagiisip.
“Next time na lang, just help me na lang with decorating Sharm’s room then nood na lang tayo ng dvd sa bahay. Ipagluluto na din kita if you want?” hindi naman masukat ang ngiti sa labi ni Brandon, agad niyang pinagbuksan ng pinto si Cham ng kotse at pinaandar ang kotse.
“Excited na ako sa luto mo Mach ko. Baka lalo ako mainlove sayo niyan” sa sobrang saya ay hindi napigilan ni Brandon ang sarili, naitakip niya tuloy ang kamay sa bibig sa sobrang kaba na naidulot sa sinabi niya.
“Okay sasarapan ko ang luto ko para bayad ko sa pagsama mo sa akin ngayon.” Masayang sabi nito sabay sulyap sa binata. Hindi alam ng binata kung narinig ba ito ni Cham or hindi niya lang pinansin.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014