Chapter 39

865 18 17
                                    

Five months had passed when Cham said yes to Ellsworth’s wedding proposal. Napili kasi ni Ellsworth na ikasal na sila sa lalong madaling panahon. When he hired a wedding planner he gave it at least six months to fix everything.  Palapit na ng palapit ang araw ng kasal nila isang buwan na lang ang hihintayin.

“Totoo ba yun na uuwi dito ang parents ni Ellsworth?” usisa ni Mylez.

“Oo Ate kinakabahan nga ako eh. Sabay daw darating yung parents niya dito next week. Natatakot ako” nakapalumbaba sa mesa na sabi ni Cham.

Kasalukuyang nagaalmusal silang tatlong magkakapatid nakaleave ngayon si Cham for two days pupunta kasi sila sa Tagaytay ni Ellsworth para tignan ang suggested place ng wedding coordinator nila kung saan gaganapin ang reception. Sa Tagaytay din kasi gagawin ang nalalapit na kasal nila. Dito naisipan kasi ni Ellsworth gawin ito dahil dito nagsimula ang maramdaman nito ang espesyal na pagtingin sa dalaga, nang minsan ay maistranded sila sa rancho kung saan sila nagphotoshoot ng una nilang magazine covers.

“At bakit ka naman natatakot bebe?” tanong ni Ading.

“Never ko pa kasi sila nakausap sa tagal namin ni Ellsworth, I don’t know if they will like me.” Medyo may bahid ng lungkot ang boses nito sabay higop sa kape niya.

“I’m sure bebe magugustuhan ka nila just be yourself don’t please them just show them what is your true colors” seryosong sagot ni Mylez.

“Wow gumaganon ka na kapatid ah magaling, tama show them the black and white and rainbow of your heart and soul”  dagdag pa ni Ading na tuwang-tuwa sa sinabi ni Mylez, napakunot naman ang noo ni Cham sa mga narinig na payo ng dalawang ate medyo hindi niya kasi maintindihan.

“Yun nga ang gagawin ko, natatakot lang ako kasi paano kung malaman nila na mahirap lang ako baka isipin nila peperahan ko lang si Ellsworth diba? Yun ang pinakakatakutan ko ang mahusgahan nila ako. Parang hindi ko kakayanin” napasinghap naman siya sa sinabi hindi kasi malayong mangyari yun.

“Bebe don’t be afraid of the dark, Ellsworth is the light of the darkness. Mahal ka niya for sure ipaglalaban ka noon if ever apihin ka ng mudrakels niya…” seryosong sa pagkakasabi ni Ading.

“Alam ko yun ate, pero masakit pa din isipin If ever mangyari yun.” Aniya.

Nagkatinginan naman ang dalawang ate nito sabay din ibinalik ang tingin sa kapatid.

“Bebe seryoso wag mo ngang isipin yan napaka-nega mo naman hayaan mo nararamdaman ko na mabait naman ang partidos ni Ellsworth. Tiwala lang.” sabi ni Mylez sabay sandok ulit ng sinangag sa plato nito.

Nabuhayan naman ng loob si Cham sa huling sinabi ng ate niya. Kailangan niyang isantabi muna ang iniisip hindi pa naman siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ng magulang nito pag nakita siya.

“Salamat talaga ate sige na nga I will think positive from now on kaya ko to basta wag kayo mawawala sa likod ko ah.” Nakangiting tugon niya. Kailangan niyang maging masaya dahil sa katotohanan na alam niya hindi siya pababayaan ni Ellsworth.

“Oo naman andito lang kami promise yan, sige na magasikaso na tayo baka dumating na si Papa Ells” paalala ni Ading, kasama din kasi sila sa venue gusto kasi nila makita din ito at maging parte din ng pagaayos ng kasal ng kapatid.

Kahapon ay galing naman sila sa designer at gumawa ng mga gown nila at sobra talaga silang namangha dahil sa sobrang ganda ng pagkakagawa ng gown ni Cham unting ayos na lang ay matatapos na ito. Hindi pa man tapos ay sobrang bongga na nito, pati ang mga abay ay sobrang ganda ng mga gawa nito.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon