Maliwanag na sa labas ng magising si Ellsworth. Nasa mga bisig niya pa din si Cham eto na naman siya at kusang napapangiti. Ang sayang pagmasdan ang dalaga na himbing na himbing sa pagtulog hindi niya namalayan na nakayakap na din pala ito sa kanya. Inayos nito ang buhok na natabunan na ang magandang mukha nito.
May kakaiba siyang nararamdaman habang tinititigan ang dalaga. Hinaplos niya ang noo nito at mabuti naman ay wala na itong lagnat normal na ulit ang temperature nito. Hindi niya napigilan na haplusin din ang mga pisngi nito pati na din ang labi na hinagkan kagabi. Hindi niya din maexplain sa sarili bakit ito nagawa sa dalaga para bang may bato balani na humigop sa kanya para pagtagpuin ang kanilang mga labi.
“Good morning” agad niyang bati at nginitian ito para maitago ang pagkabigla sa pagmulat ng mata ni Cham.
Pero hindi lang pala siya ang nabigla, mas lalong nagulat si Cham sa pwesto nilang dalawa. Habang nakahiga siya sa braso ni Ellsworth siya naman ay nakayakap dito. Agad naman na inalis ni Cham ang kamay sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.
“Sorry good morning din.” Agad na tumayo ito at kinuha ang tuwalya na nakasampay.
“Okay ka na ba? How are you feeling right now?” tanong niya pagkatapos ay bumangon na din.
“Oo okay na ako maganda na pakiramdam ko sige maliligo na ako tapos ikaw naman para makauwi na tayo” mabilis na sabi ni Cham at agad itong lumabas.
Pagpasok sa banyo ay agad napasapo sa mukha niya si Cham. Sobrang siyang nagulat sa pwesto nilang dalawa ni Ellsworth hindi niya inaasahan na hanggang magising siya ay ganoon pa din ang pwesto nila ang pinaka-awkward pa doon ay niyakap niya pa ito.
Napa-iling siya hindi niya makalimutan ang ngiti sa mga labi ni Ellsworth, ngiti na ngayon niya lang nakita.
Naiinis siya sa sarili kaya naman agad siyang umalis sa silid, nahihiya siya dito na baka ano ang isipin nito sa kanya.
Napasabunot naman siya sa buhok ng maalala pa ang tagpo kagabi.
“Waahh” hindi na niya napigilan na mapasigaw ng mahina.
Naalala niya na hinalikan siya nito kagabi. Halik na hindi man lang siya tumanggi or nagreact, Hindi na niya alam paano pa haharap sa boss niya.
Baka kasi ano na ang iniisip nito sa kanya.
Na baka easy to get siya.
Na may gusto siya dito.
Na mahina siya.
Dinaan na lang siya sa pagligo ang inis na nararamdaman sa sarili. Mamaya na lang niya poproblemahin ito gusto na niya talaga umuwi. Saglit lang siya naligo dahil malamig ang tubig at galing lang siya sa lagnat kanina.
“Ay kambing na hindi maanak” gulat na sabi ni Cham paglabas ng banyo, hindi niya nakita na nasa gilid lang pala ng pinto ang binata at dala na din ang tuwalya nito.
“Sorry nagulat pa yata kita” natatawang sabi ni Ellsworth.
“H-hindi n-naman” nauutal na usal niya at agad na pumasok sa kwarto.
Agad siyang nagbihis at inayos na ang mga damit na pinahiram ng dalawang matanda. Isinilid na din niya ang mga pinatuyong laman ng bag niya na nabasa kagabi. Sumilip siya sa bintana at mukhang maganda na ang panahon at pwede na sila umuwi. Maganda ang tanawin na nasa labas may mga baka, kambing at kabayo sa hindi kalayuan. Nakikita niya din ang mga pato, bibe at mga manok na nasa bandang kanan na may parang maliit na sapa.
Binuksan niya ang bintana ng bahagya at sumimoy naalala niya tuloy ang mga magulang sa probinsya. Sa pagmumuni-muni ay hindi niya napansin na nasa loob na pala si Ellsworth naramdaman na lang niya ang pagyakap nito mula sa likod niya ramdam niya ang lamig ng katawan nito.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romantik♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014
