“Hi Mach ko kanina pa ako natawag super busy ka yata ngayon?” today is our Welcome slash Anniversary Party sa office. Kanina pa nga natawag si Brandon sa dalaga kaya lang since siya ang nagaayos dito ay hindi niya masagot ang kung sino mang tumawag.
“Sorry Nrab kanina pa kasi ako busy sa pagaayos para mamaya sa party, sayang nga wala ka dito” napabuntong hininga naman ang kausap sa kabilang linya.
“Oo nga Mach mukhang matatagalan pa ako dito maextend pa ako ng another week sabi ni Dad madami daw kasi kami parating na investors gusto niya ako makipagusap para matutunan ko na daw paano ang makipagdeal.” Malungkot ang boses na sabi sa dalaga, namimiss na niya kasi si Cham ilang araw palang silang hindi magkasama parang isang taon na ang katumbas.
“Okay lang yan Nrab kaya mo yan galingan mo ah dapat lahat maclose mo ang deal mo ah. Tapos itreat kita pag natupad yan. “
“Ayaw ko ng treat pwede ba humiling?”
“Hmm Sige basta ba kaya ko ah”
“Baka magalit ka wag mo ako bababaan ng telepono ah”
“Sige na basta kaya ko ah” sa wakas kahit man lang sa telepona masabi niya ang gusto sabihin dito. Sana lang this time ay pumayag na at making ito sa sasabihin niya.
“Mach makinig kang mabuti okay? Wag mo babalewalain lahat ng sasabihin ko. Gusto ko lang naman pumayag ka na ligawan kita. Please wag mo ibaba ang phone” napalunok naman si Cham, namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa. “Mach naman eh ayan ka na naman wala ka na namang reaksyon. Please.” Dugtong nito dahil wala man lang siyang marinig kahit anong sagot dito.
“Nrab hindi ka ba kuntento kung ano meron tayo ngayon? Masaya naman tayo na magkaibigan lang tayo diba? Natatakot ako paano kung hindi tayo magwork mawawala na lang parang bula ang pagkakaibigan natin ayaw ko mangyari yun.” Mahabang paliwanag niya, hindi siya bingi, hindi siya manhid na para hindi marinig at maramdaman ang lahat ng pinapahiwatig ng kaibigan pero mas mahalaga sa kanya ang friendship nilang dalawa.
“Mach oo hindi ako kuntento na ganito lang tayo, gusto ko mahalin kita ng higit pa sa inaakala mo, gusto ko iparamdam sayo ang nararamdaman ko ng higit pa sa inaakala mo. Lahat gusto ko malaman mo at iparamdam sayo pero paano ko magagawa kung magkaibigan lang tayo. “ naninikip ang dibdib ni Cham sa mga rebelasyon ni Brandon, hindi niya talaga inaakala simula pa lang na aabot sila sa ganito. Siguro tanggap niya pa kung hindi sila matalik na magkaibigan. Anim na taon silang magkaibigan ayaw niyang dumating sa point na matapos ito.
“Nrab bakit mo ba ako nagustuhan? Ang dami naman diyan na iba na mas higit sa akin. Kapantay mo, asa baba mo lang ako hindi kita kayang abutin kailanman.” Isa pa ito sa ikinatatakot niya mayaman sila Brandon siya ay hamak na simpleng tao lang walang ipagmamalaki kundi ang pinagaralan niya at katalinuhan.
“Mach ang pag-ibig naman ay hindi kailangan pantay kayo ng estado, I never planned on falling in love with you but it’s like magic it just happened. Who cares if we’re not on the same state what important is my heart beats for you.” Para namang natunaw ang puso ni Cham sa narinig, ganoon ba siya kagusto ng kaibigan. Para hindi nito intindihin kung ano lang meron siya.
“Natatakot ako Nrab, pasensya ka na kung lagi ko iniiwasan ang ganitong usapan ayaw lang kitang mawala. Isa ka sa mga bilang na totoong kaibigan ko.” Halo-halo na ang emosyon na nararamdaman ng dalaga, masaya na si Brandon ay may pagtingin sa kanya, malungkot dahil ayaw niya na baka magtapos ang pagkakaibigan nila pag hindi sila nagwork.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014