“Mrs Benavidez excuse me, can I talk to you.” Ang wedding coordinator, kasalukuyang kausap ng ginang ang pamilya ni Cham.
“Yes any news where are Cham and Ellsworth” umpisa nito, lumayo sila mula sa mesa ng pamilya ni Cham.
“Madam wag po kayo mabibigla may tumawag po kasi sa akin ang sabi ay –“ hindi na nito naituloy pa ang sasabihin dahil naghysterical na kaagad si Mrs. Benavidez.
Buti na lang at wala masyadong tao sa lobby ng Hotel, umalis na kasi sila sa Ranch kung saan sana gaganapin ang kasal dahil alas otso na ay wala pa din ang dalawang ikakasal.
“Anong nangyari sa kanila? Naaksidente ba sila? Saang hospital halika na puntahan natin.” Sunod-sunod na tanong nito.
“Madam tumawag po ang San Juan Batangas Police Department nandon daw po si Sir Ellsworth.” Dahan-dahan ang pagkakasabi nito para hindi masyadong mabigla ang ginang.
Napahawak naman sa dibdib ang ginang. “Anong ginagawa niya doon? How about Cham where is she?” hindi maintindihan ni Mrs Benavidez bakit napadpad ng Batangas ito.
“We don’t have any news about her. Wala pong sinabi what is the reason why Ellsworth is there, ipapahanda ko na po ba ang kotse niyo Madam?” pilit na pinapakalma nito si Mrs. Benavidez medyo bumilis kasi ang paghinga nito at medyo namutla. Madiin niyang hinagod ang likod nito ng mapaupo sa couch at hawak pa din ang dibdib nito.
“Yes please I want to go there as soon as possible” mahinang tugon nito, nagpaalam na ang wedding coordinator at mabilis na pinuntahan ang driver ng mga Benavidez.
“Rose ano ba ang nangyayari? Bakit nasa police station si Ellsworth?” usisa ng daddy ni Ellsworth kay Mrs. Benavidez.
“I don’t know either Ele pero masama ang kutob ko I know something happened. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko talaga kanina pa lang hapon. I hope that he’s okay until now wala pang balita kay Cham nag-aalala din ako sa batang yun.” Kwento ng ginang.
Sobrang pagtataka kasi ni Mr. Benavidez ng bigla na lang siyang haltakin ng ginang at pasakayin sa kotse. Mabilis ang takbo nila ngayon papunta sa presinto sa San Juan.
Dali-dali namang kinuha ng ginang ang cellphone niya ng tumunog ito.
“Hi Mam si Alie po ito ang anak ni Nanay Mitring.” Pakilala nito.
“Oh yah Alie I know you, what happened? Bakit hindi kayo nakarating? Where is Nanay Mitring?” tanong nito, matagal bago sumagot ang nasa kabilang linya.
“Si Nanay po ay nasa hospital, andito po ako kasama ngayon ni Sir Ellsworth sa police station papunta na po ba kayo?” nahihiyang sagot nito.
Napabuntong hininga ang ginang dahil hindi maintindihan bakit kasama nito si Ellsworth at bakit nasa hospital si Nanay Mitring hindi niya maiwasan na mapasigaw. “What? What are you doing there and why is Nanay Mitring is in the hospital?” sobrang talaga itong nabigla.
“Mam pasensya na po talaga, humihingi po kami ng tawad pinapasabi din po ni Nanay na sana ay mapatawad niyo din po siya pasensya na po hihintayin ko na lang po kayo dito.” Maiyak-iyak na tugon nito.
“Sorry I didn’t mean to shout sige please tell me everything on the way na kami.” Ibinaba na ng ginang ang linya. Ang lakas pa din ng kaba niya masama talaga ang kutob niya.
“Lino pakibilisan pa ang takbo we need to be there asap” utos ng ginang sa driver nito.
Kahit ang daddy ni Ellsworth ay nagtataka bakit andon ang pamilya ni Nanay Mitring sa Batangas. At sa San Juan pa kung saan andon ang resthouse nila.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014