Chapter 27

1.3K 25 8
                                    

“Ate aalis muna kami ni Ellsworth ah.” Paalam ni Cham pagkatapos maligo ulit at magpalit ng damit. Kagagaling lang niya sa bahay ng kasintahan at sabi nito ay may pupuntahan daw sila unang date daw nila since official na mag-on na sila.

“Sige bebe girl ingat ka kayo ah, Ells ingatan mo ang kapatid namin ah” habilin ni Mylez na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

“Opo don’t worry iingatan ko po si Cham” nagpaalam na ang dalawa, sumakay na sila sa kotse ni Ellsworth.

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Cham ng magsimula na magmaneho ang binata.

“Secret muna siguradong matutuwa ka sa pupuntahan natin I don’t know if nakapunta ka na doon dati ako kasi hindi pa so I wanna try it.” Nakangiting sabi nito.

Napaisip naman si Cham saan balak ng kasintahan magpunta hindi na lang niya ito kinulit at tahimik na lang habang nasa biyahe.

Tumagal lang ng mga 30 minutes ay natanaw na niya ang CCP complex nakita na niya ang isang signage. Mukhang alam na nila kung saan sila pupunta sa STAR CITY.

“Really baby sa Star city tayo pupunta” excited na sabi nito ng magpark na ang binata sa tapat nito.

“Yes sabi nila okay dito, nakapunta ka na ba dito?” tanong nito habang tinatanggalan ng seatbelt si Cham.

“Hindi pa excited na ako.” Masayang sabi ni Cham.

Pagpasok nila ay agad bumili si Ellsworth ng ticket na ride all you can, pagkabili ay agad ikinabit ng staff ang tag kamay nila. Agad na silang pumasok unang bumungad sa kanila ang iba’t ibang stalls ng damit, accessories at kung ano-ano pa.

“Baby ang cute oh I wanna wear this bili tayo” turo ni Cham sa isang headgear, iba-iba ang klase nito may bunny ear, may tiger, panda at lion.

“Sige pili ka na” tugon ni Ellsworth, pinili ni Cham ang isang tiger headgear at kinuha niya din si Ellsworth at isinuot dito

“Oh ayan ang cute na natin” masayang sabi ni Cham.

“Huh pati ako? Ikaw na lang baby” gulat na sabi ni Ellsworth ng inilagay ng kasintahan ito sa ulo niya.

“Oo please tignan mo ang cute natin tignan” pagsusumamo ni Cham, parang nailang kasi si Ellsworth sa suot kinuha ni Cham ang isang katamtamang salamin at ipinakita nito ang itsura ng binata, napakibit balikat na lang si Ellsworth at pinagbigyan na lang ang kasintahan.

“Sige na nga para sa baby ko” napilitang sabi ni Ellsworth sabay kinurot ang pisngi ni Cham.

“Thank you halika dali picture tayo. First picture natin to.” Aniya sabay kuha ni Cham ng cellphone sa bag niya.

“Ate favor naman po pakuha naman po kami ng picture, diba ang cute namin tignan?” magalang na utos niya sa tindera ng pinagbilihan nila ng headgear.

“Oo bagay na bagay kayo. Sige ito na smile in 1 2 3” aniya ng tindera at sabay naman ngumiti ang magkasintahan, pagkatapos ay ibinalik na ng tindera ang cellphone ni Cham.

“Ang cute cute natin dito baby. Tignan mo akalain mo may tinatago ka palang dimples” sabi ni Cham na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

“Ikaw ang pinakacute dito. Iloveyou baby” hindi napigilan ni Ellsworth na halikan si Cham sa pisngi kahit mga nakatingin sa kanila ang mga tindera sa paligid. Ewan niya ba kahit sa napakasimpleng bagay na ginagawa ng kasintahan ay sobra siya nitong napapasaya.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon