Andito na sa opisina si Ellsworth inabot din siya ng siyam-siyam bago nakarating sa grabe ng trapik. Ang mga litrato lang nila ni Cham na pina-bluetooth niya dito kanina ang nagpadagdag ng pasensya niya sa pagmamaneho kanina. Lagi niya itong sinusulyapan, ayaw niya talaga ng trapik kaya gusto niya lang ay laging nakamotor.
“Good evening Sir” bati ng guard pagtungtong niya sa entrance ng opisina. Nginitian naman niya ito at masayang pumasok sa loob para malaman kung ano na ang progress ng sales nila sa magazine for today.
“Hi guys how are you?” masayang bati niya pagbukas ng production area, sa una ay nagulat ang mga empleyado sa magandang mood ng boss nila pero agad naman silang natauhan at binigyan din ng ngiti ang boss nila.
“Hi boss good evening” unang bati ni Joe kasunod na rin ang mga ibang andito.
“Any good news for me?”
“Yes boss halos sold out na po lahat ng magazines natin sa mga malls pa lang sa metro manila sa mga malalaking mall sa Southern Luzon at Northen Luzon halos paubos na din kaya ito nagpa overtime ako para sa deliver bukas. Pati po ang komiks ni Tatang yung 30000 copies natin halos ubos na din.” Masiglang balita na hinatid ni Joe, ang komiks na ni-reprint nila ay tribute para sa namatay na beteranong manunulat na kama-kailan lang ay pumanaw.
“Magaling sige papa-order ako ng hapunan niyo pautos na lang Joe kayo na bahala ano gusto niyo okay” masaya si Ellsworth sa kinalabasan ng una nilang release ng magazine pati na din ang tribute copy ng komiks.
Nagpaalam na siya sa mga ito at pumunta sa opisina niya, naisipan niyang iprint ang picture nila ni Cham kanina, nilagay niya ito sa isang simpleng frame at bago ipinatong sa mesa niya ay dinampian niya muna ng halik ang litrato ng kasintahan.
Naupo siya habang tinititigan ang litrato nila. Naguumapaw ang kasiyahan sa dibdib niya pag naaalala ang mga ngiti ng kasintahan, nakakawala ng pagod.
Bigla niyang naalala na tawagan ang kasintahan siguro naman ay tapos na ito mag-ayos ng mga pinamili niya. Kinuha niya ang cellphone at idinial ang number ng kasintahan.
Napakunot ang noo ni Ellsworth ng hindi ito sumasagot sa tawag niya, nakailang dial na siya pero walang sagot. Halos trenta minutos na niya paulit-ulit tinatawagan ang kasintahan hanggat ng out of coverage na ito.
Sa inis ay lumabas na ng opisina at hindi na tinapos ang mga binabasang mga emails, bumalik siya sa production area andon na din ang pinadeliver na pagkain.
“Sir kain na tayo” alok ng isa sa mga empleyado niya, umupo na din siya at sinaluhan na lang ang mga ito. Nakaramdam na din siya ng gutom, habang kumakain ay nagtetext naman ito kay Cham at panaka-naka ulit na dina-dial ang numero nito pero out of coverage na talaga.
Ibinaling sa kinakain ang inis dahil hindi makontak si Cham, iniisip na lang niya na baka nakatulog na ito dahil din sa pagod sa lakad nila kanina.
Nagtagal lang din siya ng halos dalawang oras sa opisina at naisipan na din umuwi sakto na din at humupa na ang trapik sa labas.
Pagdating sa bahay ay agad siyang sinalubong ng nakangiting si Nanay Mitring.
“Kamusta iho? Bakit parang malungkot ka yata? Diba magkasama lang kayo ni Cham kanina?” usisa ng matanda, kilalang kilala na niya ang alaga kanina lang ay kitang-kita dito ang kasiyahan ng umalis at umuwi na may lungkot sa mga mukha nito.
“Wala Nanay pagod lang siguro ako.” Tugon nito at pilit na binigyan ng ngiti ang matanda tapos ay nagsimula ng maglakad papasok.
BINABASA MO ANG
He Robbed My heart (editing)
Romance♥COMPLETED♥ Paano kung napagkamalan ka ng isang kidnapper na ikaw ang inaakala niyang kapatid ng pinaghihingantihan niya? At hindi lang pala ikaw ang balak niyang bihagin. Damay na din pala ang nanahimik mong puso. ©Shairaluane Jan 2014