Chapter 17

1.5K 26 11
                                        

“Hi Brandon Good Morning pasok ka.” Bati ng ina ni Cham, andito siya ngayon para sunduin ang dalaga dahil babalik na siya sa Maynila para magtrabaho ulit.

“Hello po nay sensya na po sobrang aga ko po tulog pa po yata kayo.” Pinapasok siya ng ina ni Cham sa sala at naupo naman siya, mukhang tulog pa nga ang mga tao dahil pasado alas sais pa lang ng umaga.

“Naku hindi naman ganitong oras talaga kami nagigising halika iho magkape muna tayo tapos bibili lang ako pandesal diyan ka lang muna.” Dumeretso si Brandon sa hapag-kainan nila, mukhang tulog pa si Cham pati ang mga kapatid nito.

Habang hinihigop ang kape ay naalala niya ang huling tagpo nila ni Cham, medyo nararamdaman niya na medyo malamig na ang pakikitungo sa kanya ng kaibigan, pagkauwi niya sa Maynila ay hindi na siya nito pinayagan na dalawin siya kung hindi ay magagalit daw ito bihira din ito kung magreply or sagutin ang mga tawag niya. Hinayaan na niya lang ito baka kasi kailangan lang talaga nito ng panahon mag-isa.

“Oh Nrab.” Gulat na sabi ni Cham ng magpunta sa kusina.

“Hi Mach, good morning.” Tumayo siya at ginawaran ng halik ang dalaga sa pisngi.

“Good Morning Nrab, bakit andito ka?” hindi nga pala alam ni Cham na darating siya nasabi lang sa kanya ng ate nito na paluwas na ang kapatid sa makalawa.

“Sinusundo na kita pabalik ka na sa work mo diba? Nakakatampo ka kasi Mach hindi mo man lang ako kinakausap.” Tumaas ng bahagya ang kilay ni Cham at nangunot ang noo.

“Paano naman halos oras-oras mo ako tawagan, nakakailang text ka din paulit-ulit lang naman. Gusto ko magfocus ka sa work mo hindi sa akin.” Halatang iritado ang paliwanag ni Cham habang nakatalikod kay Brandon nagtitimpla kasi ito ng kape niya. Bakas naman sa mukha ni Brandon ang lungkot, parang balewala na siya sa kaibigan gusto lang naman niya na makausap ito at sobrang miss na din niya ito.

“Sorry Mach gusto ko lang naman malaman if ligtas ka, kung pwede nga lang dito ako sa tabi mo gagawin ko pero ayaw mo naman. Natatakot ako Mach dahil hindi pa nahuhuli kung sino man ang gumawa niyan sayo.” Humarap si Cham sa binata at biglang nagdilim ang mukha nito.

“Pwede ba Brandon I don’t want to talk about it anymore, I’m so tired of that issue. Hanggat maari kung pwede lang wag niyo na sa akin mabanggit ang mapait na nangyari sa akin, I’m trying to move on but how can I move on if lagi niyo pinapaalala sa akin ang nakaraan ko.” Mahina ang pagkakasabi ni Cham pero ramdam ni Brandon ang galit sa mga tinig nito.

“Pasensya na Mach, hindi na mauulit.” Para naman napahiya si Brandon sa mga sinabi ni Cham, sakto naman na pagdating ng nanay ni Cham.

“Oh anak gising ka na din pala eto bumili na ako ng agahan teka lang at magluluto ako ng palaman na itlog.” Dumeretso na ang ginang sa may kalan at nagsimula ng magluto, si Cham naman ay lumabas sa Veranda na sinundan naman ni Brandon.

“Mach sorry na please, wag ka na magalit sa akin.” Umupo siya tabi nito.

“Hindi ako galit I’m just giving you a heads up that I don’t want to talk about it, sana lang maalala mo.” Gumaan naman ang pakiramdam ni Brandon ng nginitian siya ng dalaga.

“Yah I understand sorry talaga. Anyways anong oras tayo luluwas bukas?” tanong niya sa dalaga na busy na ngayon sa pagbabasa ng dyaryo.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon