Chapter 13

1.5K 31 19
                                    

Nagising siya na sobrang sakit ng ulo niya, huling naalala niya kagabi ay sobrang lasing siya dahil sa dami ng pinainom sa kanya ng misteryosong lalaki na kasama niya ngayon. Pinagsayaw siya nito at ng hindi niya sinunod ito sa huli nitong hiling na maghubad ay sinuntok siya nito sa kanyang sikmura dahilan para mawalan siya ng malay.

Tumingin si Cham sa paligid hindi niya alam kung anong oras na dahil sa sobrang dilim ng kwarto wala kang makikita kahit kaunting sinag ng araw walang bintana sa silid na ito. Dahan-dahan siyang tumayo ng kama, ramdam pa din niya ang sakit ng sikmura sabayan pa ito ng sakit ng ulo niya dahil sa alak.

Dumeretso siya sa banyo at naghilamos. Tinignan niya ang sarili sa salamin, nadagdagan na naman ang mga pasa niya sa mukha umabot pa ito sa bandang tenga niya. Hindi pa man tuluyang nawawala ang mga unang pasa ay nadagdagan pa ito. Napapikit na lang siya sa sobrang awa sa sarili. Pinapanalangin niya na sana ang lahat ng ito ay isang mahabang bangungot lang at darating din ang oras na may gigising sa kanya mula dito sa masalimuot na panaginip niya.

Malaking pasasalamant na lang niya dahil wala ng iba pang masamang ginawa ang lalaki sa kanya, suot pa din niya ang kamison mula kagabi.

“Hoy babae buksan mo itong pinto.” Napakislot naman siya mula sa paliligo.

“Teka lang naliligo ako, sandali na lang” minadali niya ang pagbubuhos alam niya na anytime ay pwede na naman niyang buksan ang pinto at sugurin siya dito.

“Bilisan mo, I will give you 5 minutes if not alam mo na mangyayari” madali siyang nagbihis at lumabas ayaw niya na masaktan pa siya nito.

“Hi sorry natagalan” nakayukong sabi nya paglabas sa banyo.

“Buti naman papasukin na talaga kita, ito kumain ka na. Pagkatapos niyan may ipapagawa pa ako sayo” kahit papaano ay kahit lagi siya nitong sinasaktan ay hindi naman siya nito ginugutom. Nagsimula na siyang kumain at panaka-naka ay sinusulypan niya ito na tahimik na nakamasid sa kanya.

“Bakit ka tingin ng tingin sa akin?” singhal nito sa kanya.

“Wala naman kumain ka na din ba?” mahinang tugon niya dito.

“Kumain ka na lang diyan bilisan mo” masungit na sagot nito. Tumango na lang si Cham at pinagpatuloy ang kinakain.

“Ikaw ba ang nagluto nito? Masarap kasi, salamat sa pagkain ah” nagulat ang binata sa inasal ng babaeng kaharap.

Madalang ito magsalita dahil pinagsabihan niya na wag na wag magsasalita, pero hindi ito ang inaasahan niya na reaksyon nito sa kanya, sino ba namang tao ang sinaktan mo na pero may gana pa din sayo magpasalamat? Tinitigan niya ang babae sa harap dahan dahan lang ito kung ngumuya marahil dahil masakit ang mga panga nito at pisngi dahil sa dami na ng sampal na nakuha nito mula sa kanya.

“Ang dami mong tanong naiinip na ako. Baka gusto mo ako pa magsalampak niyang kinakain mo sa bibig mo” pinigil niyang matawa dahil sa sinabi ay mabilis itong nginuya ng dalaga para bang nilulunok na lang ang pagkain pagkasubo nito.

“Okay tapos na ako, salamat ulit” inutusan siya nitong ilagay ang pinagkainan sa mesa na malapit sa pinto. Pagbalik niya ng tingin sa kama ay andito na ang lalaki at nakahiga, minsan iniisip ni Cham na biglang tanggalin ang nakatakip sa ulo nito para makita ang itsura ng lalaki pero natatakot siya na baka may gawin itong masama sa kanya.

“Ano pa hinihintay mo lumapit ka dito and give me some massage.” Agad naman siyang lumapit dito pumuwesto siya sa likod nito and she started to massage his head.

He Robbed My heart (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon