Tahimik lang ako. Di maka imik. Tinitigan ko lang si Mike habang nakangiti siya sa akin.
"Liza, parang nakalimutan mo na yata ako? Ako to, si Mike." Wika niya.
"Ah- hello." Mahina lang yung boses ko. Still can't get over from the shock.
"Finally, I got reunited my fianceè." Yinakap niya ako nang mahigpit.
Fianceè.
Isang salitang di ko kayang mabasa, marinig, o masabi. Isang salitang sisira sa buhay ko.
"Ah, hija, magmano ka sa Tito Bernard at Tita Kristelle mo." Sabi ni Mama.
Nagmano ako sa mga magulang ng lalaking papakasalan ko. Nag fake smile ako, pero sa loob-loob ko, takot na ako.
Paano na ako?
Akala ko hindi na siya babalik. Pero nandito na siya. At handang sirain ang buhay ko.
"Please excuse me. Kailangan muna mag rest namin ni Kuya. Give us some time."
Dali-dali kong hinila si Kuya sa silid na shineshare namin.
@~@~@
"Bullshit!"
Sinuntok ni Kuya ang pinto at tiningnan ako. "Bumalik siya para sirain ang buhay mo, Monica. Sana nakalimutan ka na lang niya."
Hindi ako makapagsalita. Pumunta ako sa may bintana at umiyak.
Sinipa naman ni Kuya ang study table ko. Galit na galit siya.
"Bakit pa ba bumalik ang gagong yun?! Bakit?!"
"Kuya, tama na! Tama na!" Sigaw ko.
"Bakit pa ba kailangan mong magpakasal hindi para sa pag-ibig, kundi para sa ngalan ng pamilya mo?! Hindi ba nila nakikita na nasasaktan ka na? Na nahihirapan ka na? Bakit pa ba kailang mong gawin to?!"
"Hindi ko to ginusto Kuya! Hindi ako nagdidikta sa buhay ko!"
"Buhay mo yan, Monica. Panindigan mo yan!"
Pinunasan ko ang luha ko. "Kung ano ang gusto ng mga magulang ko, susundin ko. Kahit nasusuklam ako sa pagmumukha ng lalaking pakakasalan ko."
"Malaki ang kasalanan niya sa sa 'yo."
"Pero wala akong magagawa. Ikakasal rin naman kami."
Hindi makatingin si Kuya sa akin. Alam kong iniisip niya ang nangyari sa akin 4 na taon na ang nakalipas.
Ten years old ako nun. Mature na akong mag-isip kahit medyo bata pa ako. Blame my intelligent IQ. Noong panahon na yun, 11 na taon si Mike. Mas matanda siya sa akin ng isang taon at isang araw.
Noon pa lang, magkaaway na kami. Hindi kami nagkakasundo sa kahit anong bagay. Minsan gusto ko siyang sakalin. Pero may isang bagay na naging sanhi ng sukdalang galit ko sa kanya.
Tinulak niya ako sa isang manhole.
Natakot ako dun. Tinabunan niya ang butas gamit ang mga nahulog na sanga ng puno. Walang nakarinig sa mga sigaw ko, o kahit sa mga iyak ko. Inisip ko na lang ang mga nangyari sa buhay ko at kung mamatay man ako, at least, hindi ako mamamatay sa sakit.
Ka muntikan na akong namatay dahil sa asphyxia. Hindi ako makahinga. Walang hangin sa loob. Lahat ng oxygen ko ay naubos na. Matapos ang ilang segundo ay nahimatay ako.
Parang himala, bumukas ang manhole at naibalik ako sa mga magulang ko.
Nawala ang alaala sa isip ko noong biglang nagsalita si Kuya. "Bumaba na tayo."
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.