Ilang linggo ko na hindi nakikita si C. Siguro dahil hindi kami magkaparehas ng school at busy siya.
Minsan nakikita ko sina Rain at Mike na nagho-holding hands around the campus. Nagugulat yung mga schoolmates ko sa pagbabalik ni Rain at ka sweetan nila ng fianceè ko. Wala akong magawa, ganyan buhay eh.
Si Kuya naman ay busy na busy talaga para sa graduation niya. Sadly, hindi darating ang Mommy niya sa graduation kaya ang Daddy na lang niya ang dadalo.
Si Carlo? Eto, katulad ko nakaka cope up na rin sa shit na ginagawa ng mga taong mahal namin.
Habang tinititigan ko ang aking mukha sa salamin at inaayos ang blouse ko sa pagkaka tuck-in ay pumasok ang kaibigan kong si Sharlene.
"Atuuuurrr!!!" Sigaw niya.
"O, Diyos ko!" Sigaw ko naman sa sobrang gulat.
Hinila ni Sharlene ang kamay ko. "You have to see something, like, NOW."
Tumakbo kami papalabas ng CR at tumakbo patungo sa soccer field. Kahit umuulan, ay maraming tao doon. Nakatitig sa dalawang taong nasa gitna na naghahalikan.
Basang-basa sina Rain at Mike. Yung mga uniform nila ay halos dumidikit na sa kanilang katawan dahil sa sobrang basa. Pero wala silang pakialam. Naghalikan lang sila.
"What the hell are they doing?!" Nararamdaman kong parang maa-unlock na ang demonyo na nasa loob ng katawan ko,
Tumingin sa akin ang mga tao at malungkot akong tiningnan.
Sinigaw ko ang mga pangalan ng mga senior prefect. "Montemayor! Mondragon! Flores! Lopez! Alvarez! De Jesus! Trinidad! La Victoria!"
Lumapit sa akin ang walong prefect. "Gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya para ma tigil na ang skandalong namgyayari dito." I growled.
Agad pumunta ang mga prefect kina Rain at Mike. Bigla namang dumating sina Father Principal at si Sir Joseph.
"Head Girl, what is happening here?" Tanong ni Father.
"Father, my fianceè..." Bulong ko.
Tumingin si Father kay Sir Joseph. "Joseph, help your prefects."
Tumango naman si Sir at pumunta sa mga prefect na nahihirapan sa pagbuwag sa dalawang nakakasuklam na tao.
Hindi ko na kayang tingnan ang mga nangyayari kaya tumakbo ako papalayo. Pumunta ako sa aming building at nagtago sa isang abandonadong classroom at umupo sa sahig,
Umiyak ako. Minahal ko si Mike. Bakit ba niya ito nagawa sa akin? Minahal ko siya. Naging tapat ako sa kanya. At sasabihin niyang YOLO? May YOLO ba sa pag-ibig? Dapat maging tapat ka sa taong mahal mo, hindi ba?
Bumukas ang pinto at sa gulat ko ay si C ang pumasok. Isinara niya ang pinto at linock ito. Lumapit siya sa akin.
"Huwag ka nang umiyak." Bulong niya.
I shook my head. "Imposible."
Umupo siya sa tabi ko at hinalikan ako. Tinulak ko naman siya papalayo.
"What was that for?!" Gulat na gulat siya.
"I-I have a fianceè. Kahit na sinaktan niya ako, kailangan ay maging tapat pa rin ako sa kanya dahil mahal ko siya." Bulong ko naman.
"Kokonsentihin mo siya?! Are you mental!?" Halos di ako makapaniwala sa mga akto ni C. Agad akong tumayo malapit sa may pinto at nangnginginig sa takot.
"I'm sorry." Lumapit siya sa akin. "I know you're going through emotional trauma, but please let me wash all your fears about me away."
Niyakap niya ako and to my surprise ay tinanggal niya ang kwintas na bigay sa akin ni Mike noong nag court siya at ang engagement ring ko. Good thing hindi ko dala yung jade necklace. Paborito ko kasi yun.
"This things are worthless kung hindi ka naman mahal ng taong nagbigay nito. Pakitang-tao niya lang ito sa kanyang pera." Tinapon niya papalayo ang kwintas at singsing.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong nasa trash can ang dalawang alahas na bigay ni Mike. "Hey wait-"
"Liza, stop chasing after those worthless things." Wika ni C. "You don't need any jewelry to show that you are loved by someone. All you need is a person who will never leave your side, even in times of trouble."
Niyakap niya ako nang mahigpit. "Please learn how to love me, Liza. Please. Ikaw lang ang babaeng nagparadam sa akin ng ganito." Bulong niya.
At katulad ng kanyang pagpasok, ay kasingbilis rin nawala si C.
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.