Chapter 32- Kasalanan

41 0 0
                                    

At dahil dun, nagaaral na si Mike sa Academia de Scholastica, isang seminary/ exclusive school for boys para "ma correct ang kanyang immature behavior".

Much to his disappointment, dun rin nagaaral bilang high school senior si C. Touchè.

At si C ang head boy.

Double touchè.

Balik naman sa dati ang buhay ko. Si Kuya na ulit ang naghahatid at sumusundo sa akin. Wala nang lalaking sumusunod-sunod sa akin tuwing break time, nangaasar sa akin tuwing class hours, o hahalikan ako during unexpected moments.

Everything felt the way it was before all this shit came along. Except of course, this time engaged na ako at dapat na akong mas maging 'ladylike'. But nevertheless, I am happy.

Isang hapon matapos ang isa na namang meeting ng mga student leader ay nagulat na lang ako nang makita ko si Mike sa labas ng school.

"Mike! Bakit ka ba nandito?" Hindi ko maiwasang magtaka.

"Ganyan agad? Walang 'Hi baby' or something like that?" Sumimangot si Mike.

"Whoops." Tumawa ako at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti naman siya.

Tumingin siya sa kanyang sapatos at nagblush. "Umm... Liza, can I take you out for a date?"

Nganga.

"Excuse me?" Tanong ko.

"I said, can I take you out for a date?" This time, mas malakas na ang boses niya.

I tried out for a cocky grin. "Uh, duh. Do you really have to do this? 'Cause I'm, like, busy."

"Ah, ganun ba? Okay..."

"Uy nagbibiro lang!" Yinakap ko siya. "Can't miss out this date, y'know?"

Para siyang nabuhayan ng loob. "Sure?"

"Positive. Let's go?"

@~@~@

"Yes! Twenty-four points!" Sigaw ko.

Nasa Timezone kami ni Mike, naglalaro ng basketball. Nahihirapan siyang magshoot dahil nagmo-move ang ring. Samantalang ako, kabisadong-kabisado ko na ang galaw nito dahil dito kami tumatambay ng aking barkada.

"Show off." He muttered.

"Bleh, inggit ka lang." I stuck out my tongue.

"Heh. Gutom na ako. Let's eat?" Ngumiti siya.

Kumindat ako sa kanya. "Sure, basta sa Army Navy tayo."

"Ngee, baboy!" Tumawa siya nang malakas.

Sinapak ko siya. "Gutom si Piglet!"

"At mahal na mahal ko si Piglet." Niyakap niya ako. "Tara kumain na tayo, baka magiingay na naman iyang tiyan mo, mahirap na."

Nag holding hands kami habang naglalakad sa mall. Naguusap kami, tumatawa, at kung ano pa nang salubungin siya ng isang pari. Naka cassock kasi siya at nakasuot pa ng krus sa kanyang leeg.

"Mr. Hortaleza?" Strikto ang boses ng lalaki.

"Father Gustav?" Napalunok si Mike.

"Have you forgot your manners?!" Whoops. Nagalit si tanda.

"Good evening, Father Gustav." Medyo sarcastic ang tono ni Mike habang nagsasalita.

Hindi ito napansin ng pari at tinitigan ako. "Young man, who is this?"

"The girl my parents told you about, Father."

"Ah, so I see." Ngumiti ang pari sa akin. "You are Elizabeth, non?"

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon