"Head Girl?"
Tumingin ako sa likuran ko. Nandoon si Mrs. Fuentabella, and moderator ng class namin.
"Yes, po?"
"Sundan mo ako, may pupuntahan tayo sa Counselor's Office."
Sinundan ko ang guro ko. Of course, obedience is a must dito sa SXA.
Habang naglalakad kami sa hallway, di ko maisawang magtaka. Kalagitnaan ng class hours, at may naghahanap sa akin? Bakit ba?
"Ma'am?"
Tiningnan ako ng guro ko. "Yes, hija?"
"Ano po ba ang gagawin ko sa office?" Tanong ko sa kanya.
Hindi sumagot sa akin ang guro. "Enough questions, Liza."
Enough questions? Isa lang naman ang naitanong ko sa kanya.
Binuksan ni Ma'am ang mga pintuan ng Counselor's Office. Nakapagtataka lang, walang tao. Normally, ang mga counselor ay naguusap-usap habang naghihintay o hindi kaya ay natutulog sa quarters nila.
Pinapasok ako ni Ma'am sa isang maliit na silid. "Hintayin mo si Ms. Pertacio dito."
"Opo." Pumasok ako at isinara ang pinto.
Umupo ako sa isang upuan at tumingin tingin sa aking kapaligiran. Tanging ang upuan at isang mesa lang nandoon. Out of boredom, inangat ko ang aking paa sa mesa hanggang sa naging komportable ako. Pakanta-kanta pa ako nang biglang namatay ang ilaw.
Tumayo ako agad. "Anak ng-" Pumunta ako sa may pinto. Nakalock ito mula sa labas. "Shit." Bulong ko sa aking sarili.
Lumapit ako sa bintana. Klaro ang view ng pre-school play area mula dito. Kinatok ko ang bintana, only to find out na gawa pala iyon sa fiber glass.
Paano to?
Tiningnan ko ang bubong. Biglang nag flashback ang nangyari sa akin 4 years ago.
--
"Mike, palabasin mo ako!"
Wala nang ilaw. Natabunan na ang butas.
"Mike!"
Tumingin-tingin ako sa paligid ko. Ako lang mag-isa. Ako at si Kamatayan.
--
"Tama na!" Sumigaw ako nang napakalakas habang hawak-hawak ang magkabilang parte ng ulo ko.
Pinikit ko ang mga mata ko. Panaginip lang ito. Gigising rin ako.
Nang buksan ko ang mga mata ko, nakakita ako ng malalaking anaconda at cobra.
"Huwag kayong lumapit sa akin!" Sigaw ko. Pero lumapit sila, lumapit sila at pumilipit sila sa buong katawan ko.
Biglang lumabas ang mga magulang ko. Hawak hawak nila ang bakal na kinakakatakutan ko.
"Mama, Papa?" Nanginginig na ako.
Inangat ni Papa ang bakal at hinampas ako sa likod. Napahiyaw ako sa sakit.
Maraming lumabas sa akin na dugo. Parang mamamatay na ako. Diyos ko, anong nagawa ko?
At parang isang demonyo ay nakita ko si Kuya na papalapit sa akin. "Liza..."
Nanlaki na ang mata ko. "Kuya, huwag!"
"Nandiyan na ako..."
Linapitan ako ni Kuya. Nanlaban ako. Pero di hamak na mas malakas pa siya kesa sa akin.
At wala na akong magawa kundi ang umiyak.
"Pakiusap... Ilabas niyo na ako sa impyernong ito..."
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.