Parang bubuyog.
Ganyan ang mga Hortaleza. Lapit sa mga relatives dito, lapit doon. Nakakahilo nga silang tingnan. Parang Jollibee mascot na 'di magkamayaw sa pag ikot-ikot sa mga taong makikita niya.
"Ano'ng gagwin matin?" Bulong ni Josh.
"Ewan. Tanong mo kay Lolong." Wika ko naman.
"Lolong?"
I rolled my eyes. "Duh. Si Kuya."
"Hindi naman crocodile si Kuya ah." Napakamot si Josh ng ulo.
Napabuntong-hininga ako. "Nevermind."
Naglakad kami ni Josh patungo sa bandang likod ng bahay. May isang orchard na hitik na hitik sa bunga ang nakita namin. May flower gardens rin na mabango. May greenhouse rin na parang walang tao.
Pumasok kami si greenhouse. Puno ito ng mga halamang-gamot na akala mo sa Pilipinas mo lang makikita. Tumawa ako bigla nang makita ko ang isang halaman na nakapag-trigger ng mga masasayang alaala.
"Ba't ka ba tumatawa?" Itinaas ni Josh ang isa niyang kilay.
"Tawa-tawa." Tumawa ako at tinuro ang halaman.
"Huh?" Napakamot ulit si Josh.
"Tawa-tawa. Pangalan ng halaman. Duh!"
"Ahh..." Tumango siya.
Naglakad-lakad kami sa loob ng greenhouse nang makita namin ang isang batang babae. Mukhang mas bata pa siya sa akin ng isang taon. Average height, black-brown ang buhok, at medyo morena ang balat. Kahit naka sideview siya ay nakita kong hazel brown ang kanyang mga mata.
"Hello?" Wika ko.
Tumingin siya sa amin. Dahil full-view na siya, nakita ko na ang kabuuan ng kanyang hitsura. Medyo matangos na ilong, pinkish lips, at no offense- pimples. Medyo mataas rin ang cheekbones niya. Nakasuot siya ng skater skirt at naka- tuck in na t-shirt. Naka Keds rin siya. Tanging isang necklace na silver na may crucifix charm ang suot niyang accessory.
"Hello." Ngumiti siya. May halong American at Filipino ang accent niya. Charming ang mixture ng kanyang pananalita. "You're Elizabeth Monica, right?"
Tumango ako. "Yeap." Inakbayan ko si Josh. "This is Joshua Andrew. Please call him Josh."
"I'm Bianca. Nice to meet you."
Inabot niya ang kanayang kamay. Nag shake hands kami. Sila rin ni Josh. Tumingin siya sa akin.
"So it's true?" Ilinagay niya ang isang kamay sa kanyang bewang.
"Na ano?" 'Di ko maiwasang magtaka.
"We're gonna be roommates. Well not really. Naka connect lang yung rooms natin." Ngumiti siya. "Gotcha. Natakot ka?"
"Not really." Tumingin ako sa aking sapatos.
Tumawa siya at inakbayan ako. "C'mon I'll show you to my room." Tumingin siya sa bandang likuran at sumigaw. "You too, Joshie!"
***
Nakaupo kami ni Josh sa may sahig. Nasa loob kasi kami sa ng silid ni Bianca at wala masyadong upuan, which is a bit surprising since times four ang laki ng kanyang silid kesa sa kuwarto ko sa Pilipinas.
I ain't kidding people.
Renaissance ang tema ng kanyang silid. Overstuffed chairs, paintings on almost every wall, chamber bed na may kurtina (uso pa ba iyan?), draperies, thick persian carpets, malalaking bookshelf, fireplace with ornately designed mantel, at kung anu-ano pang Renaissance knickknacks.
Hindi ko maiwasang magselos. Maganda talaga ang silid niya.
Binigyan niya ako ng limang tea cake. Cookies naman kay Josh. Pagkatapos ay umupo siya sa higaan at nagsimulang magsalita.
"So, I've heard na ikakasal kayo ni Mike?" Puno ng kilig at tuwa ang boses niya. Malayong-malayo sa inasahan kong pag aakusa na sinira ko ang buhay ng kanyang pinsan.
Tumango ako.
"Omg! We'll be cousins-in-law! Tapos, we'll go shopping, like, Forever Twenty-one, then we're going to Beverly Hills, And we're gonna be like, 'Hey biatches, this is our territory, outta my way'. Omg, it's so exciting!"
Ngumiti ako. She may be a bit crazy, pero I like her. Na fe-feel kong magiging close friend ko siya kahit na medyo may kaartehan siya. "I'll like that."
Tumingin siya kay Josh. "So, Joshie, are you, uhm, single?" May pa flirt-flirt pa siya na di ko maiwasang tumawa dahil sa reaksyon ni Josh.
"N-n-no... I h-have a g-g-girlfriend...." Nabulol si Josh at halos mag tie-up na ang kanyang dila sa kaba at takot.
Sumimangot si Bianca. Tinabunan ko naman ang aking bibig para maiwasan ko ang pagtawa. Napabuntong hininga naman si Josh nang lumayo na sa kanya si Bianca at bumubulong na sa sarili. I swear narinig kong bumulong si Bianca ng "Well, bullshit."
I wagged my finger infront of Josh. "Lagot ka! Pag babae ang magagalit sa'yo, ilalabas niya ang buong impyerno sa iyo!"
Napalunok lang siya.
Bumalik si Bianca at ngumiti kay Josh. "Ha, gotcha! Natakot ka?"
"Humph." Sagot naman ni Josh.
Umupo ulit si Bianca sa higaan at (absent-mindedly, I think,) kinuha ang kanyang telepono sa cradle nito at pinaglaruan ang wire. "Do you want to hear a story?"
"Yeah, sure." Sagot ko naman. Tumango lang si Josh at kumain ng cookies.
Tumingin si Bianca sa buong silid at tumingin sa amin ni Josh. Nawala ang lahat ng tuwa sa kanyang mukha. Napalitan ito ng lungkot at kaseryosohan. "Swear to me wala kayong sasabihan sa kung ano ang ikukuwento ko sa inyo."
"I swear by the Mortal Sword, and by the Angel who gave us the Mortal Instruments that I shall keep this a secret." I recited.
Nanalaki ang mata ni Bianca. "You both read The Mortal Instruments?!"
"Eh? Both?" Tumingin ako kay Josh. "You-"
"Yeah, I recited." He grinned sheepishly. "Kinukuha ko ang TMI books mo sa library minsan para basahin. I should've asked permission."
"No, no, it's okay. Lahat ng mga libro ko na nasa library ay pagaari ng lahat ng tao na naninirahan sa bahay."
"Even your Fifty Shades of Gray Trilogy?" He smirked.
Parang naiskandalo si Bianca. "What the f-"
Itinaas ko ang aking mga kamay. "Okay stop it. Bianca, you got a story for us, yes?"
Napabuntong-hininga sa Bianca. "Yeah, but please don't tell anyone. This is about Mike...."
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.