Chapter 21- Paalam?

38 0 0
                                    

Naglalakad kami ni Carlo mula sa Pasteur Complex. Tapos na naman ang isang araw na inilaan namin sa aking office. Medyo napagod rin ako dahil maraming files na dapat i-review, imbestigahan, at kung anu-ano pa. Sa tabi ko naman, hinihingal si Carlo dahil aside sa pagiging assistant ko, stand-in rin siya para sa mga umabsent na assistant. Habang kinakausap niya ang mommy niya sa phone, nakatitig naman ako sa langyang app sa iPhone ko- ang FLAPPY BIRD.

"Liza!"

Hindi ko pinansin ang boses. Tahimik lang akong naglalaro.

"Lizaaaaaa!!!!"

Naglalaro pa rin.

Biglang hinila ni Mike ang kamay ko. "Babe, kausapin mo ako."

"Ano ba?!" Galit na galit akong tumitig sa kanya.

"Babe, please." Parang nagmamakaawa na siya. "Pansinin mo ako. Simula nung hindi ka umuwi kagabi, ayaw mo na akong pansinin. Ano ba kasi ang problema? Kausapin mo naman ako, oh."

Hindi ako makatingin sa kanya. "Gusto kong mapag-isa kasama ang bestfriend ko."

"Liza, utang na loob, intindihin mo naman ako! Fianceè mo ako! Kahit magbestfriend kayo, nagseselos ako! Masakit sa puso na makita ang taong mahal ko na may kasamang iba. Huwag mong gawin sakin to."

"Please leave me. Gusto ko munang magpakalayo-layo at mag-isip."

Lumuhod siya sa harapan ko. "Liza please...."

Tinitigan ko ang mga mata niya. Punong-puno ito ng lungkot at pag-aalala. Pero no. Kailangan ko ng sapat na oras para sa aking desisyon.

"Sorry." At lumakad na ako papalayo.

@~@~@

"Ang babaw mo." Wika ni Carlo.

Hindi ko na siya pinansin. Kumuha ako ng paninbagong libro para sa aming topic sa Physics. Habang dinadala ko ang isang encyclopedia volume pabalik sa aking desk hinila ni Bogart ang buhok ko.

"Aray! Ano ba!" Sigaw ko.

"Kausapin mo nga ako. Naaawa na kasi ako dun sa fianceè mo."

I rolled my eyes. "Not this again, Carlo. Not this."

"Huwag mong takasan iyang problema mo." Malamig na malamig ang boses ng bestfriend ko. "Umuwi ka na sa bahay niyo. Naseselos na iyong labidab mo eh."

Uminit ang ulo ko. "How dare you-"

"Wala na tayo sa SXA. Hindi ka na Head Girl. Tandaan mo yan." Tahimik ang boses ni Carlo.

Hindi ako makapaniwala. Ang sarili kong bestfriend, ginanito ako?

Tinitigan ko na lang ang bestfriend ko habang hinay-hinay na lumalabas mula sa aking mga mata ang aking mga luha. "S-s-sige. Uuwi na ako. Good-bye, Carlo Francisco Ventresca." Wika ko sa isang malamig ngunit malungkot na boses.

Hindi siya sumagot.

Agad akong lumabas ng silid at hindi na lumingon pa sa aking likuran.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon