"Total shit."
Nakatayo si C sa tabi ko habang concerned na concerned si Kuya kay Carlo na hindi mapakali. Naglalakad siya sa kanyang kuwarto from end to end. Back and forth, back and forth.
After a hasty introduction between the three boys, agad kong ikinuwento ang nakita ko kanina. Noong una hindi makapaniwala si Carlo. Pero nang narealize niya na hindi ako nagsisinungaling o nagbibiro sa kanya, ay nagalit na siya.
"So the funeral was hoax." Pagaalboroto ni Carlo. "Buhay na buhay pala siya. And here I am, believing that she was dead."
Parang nahihilo na ako sa kakatingin kay Carlo habang naglalakad siya sa buong expanse ng kanyang kuwarto. "Bes, puwede bang tumigil ka na? Nahihilo na ako sa kakatingin sa'yo."
Tinitigan niya lang ako na para bang galing ako sa isang mental hospital ng DOH.
"You know what, let's confront them. Para matapos na 'to." Wika ni Kuya. Napansin kong hindi umimik si C.
"Hindi pa ako ready." Sabay naming sinabi ni Carlo. Napatingin kami sa isa't isa at tumawa.
"Shut up, both of you. This is an emergency were facing!" Bulalas ni C.
Tumingin kaming tatlo sa kanya. "I guess you're right." Wika ni Kuya. "Pero paano?"
"Paanong ano?" Tanong ni Carlo.
"How we can stop this crap and shit you and Liza are facing." Wika ni C. Tumitig kaming dalawa ng bestfriend ko at napabuntong-hininga siya. "Okay, screw that. The lovelife problem, I mean. Nag cheat yung mga taong mahal niyo sa inyo and then, what? Wage war? For all I know, magiging Blitzkrieg ang resulta nito."
Sumimangot ako. "Blitzkrieg? Lightning war? World War II?"
"He's got a point." Tumango si Kuya. "We could use diplomacy, you know?"
"Diplomacy never works." Banat naman ni Carlo.
"Well... Yeah. Look at how World War II came out...."
"Pero diplomacy stopped World War III from happening, hindi ba?" I said helpfully. "The Cuban Missile Crisis, 1960, remember?"
Hindi na nakinig ang mga unggoy sa akin. Nag usap-usap sila na para bang close sila. Ni hindi pa nga nag tatatlong oras nang makilala nila si C.
".... So, ano na? Tuloy?" Parang naeexcite si C.
"Ano'ng matutuloy?" Nalilito na ako.
Ngumiti ng parang demonyo si Kuya. "Love Games."
I sighe in exasperation. "Ano na namang uri ng drugs ang tinetake mo?"
"No, seryoso si Kuya." Depensa ni Carlo. "Ganito kasi yun. Ako, gagamitin ko ang pagkakaibigan namin ni Kayla. Magiging 'boyfriend-girlfriend' kami. Pero fake lang yun. Of course, I'll ask permission sa kanya kung okay lang ba."
I rolled my eyes. Si Kayla Aquino ang isa sa mga chicks ng school. No wonder siya ang napili ni Carlo para sa laro nila. "Naka ecstacy ba kayo?"
Si Kuya na naman ang nagsalita. "At ikaw naman Liza.... Act as if kayo na ni C."
"Oh okay, sounds good." I shrugged. "Wait, WHAT?!"
"Act as if kayo na ni C." Inulit ni Kuya sa isang mas malakas na boses.
"HELL, NO WAY!" Sigaw ko.
"Heaven, yes way!" C started giggling like a young girl.
Tumingin ako nang masama sa kanya. "Ano ako, hilo? Hindi ko gagawin iyan! Especially now that I'm engaged..." I trailed off.
"Oh dear girl, para rin naman ito sa inyo ni Carlo. You want back the people you love right?" Tanong ni Kuya.
Tumango ako. Napangiti sila.
"Let the Love Games begin!" Sigaw ng mga lalaki.
"The odds are totally not on my favor." Bulong ko naman sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Against My Will
Storie d'amoreNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.