Chapter 24- Happy Together

38 0 0
                                    

Napatingin kami ni Kuya sa may pinto. Nakatayo dun si Mike, nakangiti at may hawak na isang maliit na kahon.

"Oh, shit. Shitty, shit shit." Bulong ko. Agad akong lumayo kay Kuya.

Ngumiti lang si Kuya kay Mike. "Bro, salamat sa advice."

"Oh no problem! Alam mo naman na malakas ka saken." Tumawa sila.

Sumimangot ako. From worst enemies to 'oh-my-gosh-bro-i-love-you-very-much-hohoho'?

"Kuya, siya nga pala, may DOTA challenge bukas sa SMX. Sali ka?" Wika ni Mike. Wow ha, kung maka "kuya" akala mo na kung ano.

"So I heard. Yeah, sali ako. Naka register na pala ako online kagabi." Ngumiti si Kuya.

"That's great! Anong level ka nga pala naka reg.?"

"Masters."

"Perfect. Parehas tayo." Nag bro fist sila.

I cleared my throat. Parang nakalimutan na nila ako. "Excuse me, pero I still exist."

Nakatitig lang ang dalawang unggoy sakin. "Ah yeah....." Nagkatinginan silang dalawa sa isa't-isa.

Umupo si Mike sa tabi ko at hinawakan ang aking kaliwang kamay. Tiningnan niya si Kuya. Punong-puno ng kaba ang kaniyang mga mata. Tumango si Kuya. Tumingin sa akin ulit si Mike. Huminga siya nang malalim.

"Liza, you know that I love you, right? Right?" Tanong niya sa akin.

"Of course I do. Hindi ba obvious?" Sagot ko naman.

"In that case..." Lumuhod siya sa aking harapan at nagsimulang magsalita. "Everyday that I wake up beside you, I always want to kiss and hug you, which is pretty much what I do. I want to be with you every second, every minute, every hour, and every moment of the day. I want to be your crying shoulder in times of trouble, I want to be your love suicide."

Binuksan niya ang kahon. Inside it was a silver ring. May malilit na emerald na pumapalibot nito. Yung birthstone ko! Best of all, may isang diamond na nakapatong. I can't help but gasp in delight.

Ngmuiti siya. "I know we're engaged, pero yung parents natin ang nag decide nun. But this time, I want the answer to come from your lips. Kung ayaw mo, edi huwag. Hindi kita pipilitin. Anyway ikakasal rin naman tayo sa ayaw o sa gusto mo."

"Che! Assuming!" Biro ko sa kanya. Tumawa naman siya. Matapos ang ilang sandali ay nagseryoso ulit siya.

"Elizabeth Monica Buenavista- Fuentes, are you willing to become Elizabeth Monica Fuentes- Hortaleza? Will you marry me?"

"Oh Mike.. Alam mo naman yung sagot ko, hindi ba?" Tinitigan ko siya sa kaniyang magagandang mata.

"Ano?" Kinakabahan na siya.

"Yes, Mike, I'll marry you." Halos mapaluha ako sa tuwa.

Nganga lang siya.

Tumango ako.

Umiiyak na si Mike. Di siya makapaniwala. Yinakap niya ako nang mahigpit at hinalikan ako. Matapos nun ay ilinagay na niya sa aking left ring finger ang engagement ring. Si Kuya naman ay panay ang punas sa kanyang luha.

"Ah." Yinakap ako ulit ni Mike. "I love you Liza."

"I love you too Mike." Bulong ko naman.

Hinalikan niya ako. "I still have one more surprise for you."

"Huh? Talaga?" Naeexcite na ako.

Ngumiti siya at umalis. Medyo naguluhan ako. Tumingin ako kay Kuya. "Kuya?"

Kuya simply shrugged.

Nag-antay ako. Five minutes. Ten minutes. Twenty. Thirty. Nainip na ako. "Kuya, saan na ba kasi si Mike?"

"Ewan." Kumuha si Kuya ng dalawang lollipop mula sa kaniyang bulsa. Kinain niya ang isa at iniabot naman ang isa pa sa akin. "Gusto mo?"

Kinuha ko ang wrapper at agad ipinasok ang kendi sa aking bibig. Nababagot na ako. At naiinis. At nag-aalala kung ano na ang nangyari sa fianceè ko.

Just then the front door opened. Pumasok si Mike..... at si Carlo.

"Ano ba 'to?" Tanong ko sa kanila. Naguguluhan na ako kung ano ba talaga ang nangyayari.

Lumapit sa akin si Carlo. "Oy, bespren..."

Hindi ako makapaniwala. Halos maiyak na ako. "Ano?" Suminghot-singhot na ako. Malapit nang mag ala-Maria Christina ang mga mata ko.

"Sorry ha?... Hindi ako-"

Niyakap ko siya. "No need to say sorry, Bogart. Kahit awayin mo na ako nang todo-todo, ikaw pa rin ang bestfriend ko. Away lang, pero walang iwanan." Bumitaw ako at ngumiti sa kanya.

Umiiyak na si Carlo. "Ang dali mo kung makapatawad."

"Of course! Ikaw ang nag-iisang bestfriend ko sa mundo! Paano na lang kaya kung wala ka? Sino ang kasa-kasama kong kumain ng proven? Sino yung magdadala ng books ko? Sino ang magiging ka duet ko sa pagkanta? Sino ang bestfriend kong magpapatawa, magpapaiyak, at magpapainit ng aking ulo? Sino na lang kaya?" Pinunasan ko na ang aking mga luha. "Ikaw lang ang makakagawa nun, Carlo. Ikaw lang."

Sa kabila ng kanyang mga luha ay ngumiti pa rin siya. "I love you, bestfriend!" Niyakap ako nang mahigpit ni Carlo.

Niyakap ko rin siya nang mahigpit. Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang si Carlo.

Bigla akong may naalala. Bakit nga ba nandito ang magkakaaway na mga lalaking ito?

"Teka lang, paano at naging mag-bff na kayong tatlo?" Tinitigan ko si Kuya, si Mike, at si Carlo.

"We want to be at peace para sa iyo, Liza." Sagot naman ni Kuya. "We love you so much. And we saw na ikaw ang naiipit sa tuwing may problema sa amin, so we decided to have a permanent truce."

"Truce..." I mused. "Ano to? Is my Percy Jackson addiction rubbing off you?"

"Yung part na first time nagkita sina Percy at Daedalus!" Ngumiti si Kuya.

"Yeah, at saka si Mrs. O'Leary! Nasa arena sila, diba?"

"Sabi nga ni Daedalus, 'Truce' kasi baka saktan ni Percy yung hellhound."

"Naman-"

Sumambat si Mike. "I hate to burst your bubble, pero hindi kami nakakarelate ni Carlo."

Tinitigan namin ni Kuya ang dalawa. "Lol, seriously?"

Tumango si Mike at Carlo.

"Awww, I'm so sorry..." Hinalikan ko si Mike sa pisngi.

Nag-blush si Mike. "Ikaw talaga." Niyakap niya ako.

"PDA! PDA!" Sigaw nina Kuya

"Sir Joseph!" Biro naman ni Carlo. Si Sir Joseph kasi yung Head of Discplinary Office sa school. Isa sa pinaka-ayaw niya ang PDA sa school compound.

"Oh shut up!" Sigaw ko naman.

At linapit ko ang mukha ko kay Mike at isang matamis na halik ang ibinigay namin sa isa't-isa.

"Teka, late na ba ako sa lovefest?"

Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong hinihingal si Josh at pawisan.

"Yuck, magbihis ka." Sumimangot ako sa kanya.

"Nuh." Lumapit siya sa amin nina Kuya, Mike at Carlo. "Ano'ng episode na ng drama ang na-miss ko?"

"The engagement." Sagot naman ni Kuya.

Tinitigan ako ni Josh. "Woah, really?" Tiningnan niya si Mike. "You seriously did it?!"

"I seriously did it." Seryosong winika ni Mike. Ipinakita ko naman sa kanya ang aking kaliwang kamay.

Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa akin. Punong-puno ng tuwa at kilig ang kanyang mukha. "Congrats!" Niyakap niya ako.

Kahit na medyo mabaho si Josh, ay niyakap ko rin siya. Nakiyakap na rin sina Kuya, Mike at Carlo. At sa pagkakataong iyon dalawa lamang ang nararamdaman ko.

Saya at pagmamahal mula sa mga taong nagmamahal sa akin.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon