Bumaba kami ng eroplano. Katulad sa Pilipinas, wala nang mga stop over sa mga booth. Dire-diretso lang. Wala nang tanungan.
Sinundan namin sina Tito at Tita papalabas ng airport. Doon, may nagantay na isang itim na limo. Pumasok sina Tito at Tita kaya sumunod kami. Nang maupo na ang lahat ay nagsalita si Tita Kristelle.
"I don't want the three of you to make any kind of trouble. Hindi ko gustong bigyan ng impression ang mga relatives na nagdala kami ni Bernard at Michael ng tatlong walang modong imbecile." May sinabi pa siya sa ilalim ng kanyang hininga, pero hindi ko na narinig.
Tinaas ko ang aking kamay. "Uh, sino po ba ang ikatlo?"
Tinuro ni Tita ang bandang kaliwa ko.
Napatingin ako. Wala naman. "Eh, saan po ba?"
"Hi."
Muntik na akong atakehin sa narinig ko. "O Dio mio! Josh! Ano ba! Kung makapanggulat ka, wagas!"
Sumimangot siya. "Ganun ba talaga ako ka wagas?"
"Hindi ko pala alam na sumama ka."
Napa snort ang shunga. "Chaperone number two, at your service."
I groaned. Chaperone? Ako? I even beat some gangsters bloody noong grade 5 pa nga lang ako!
"Elizabeth! Are you even listening?!"
Kumirap ako. "Po?"
"I said, comb your hair! Para mang gorilla sa itsura mong iyan!" Galit na galit na winika ni Tita.
"Opo."
Habang sinusuklayan ko ang aking buhok ay tinitingnan ko ang mga Hortaleza. Sinusuklayan ni Tita ang buhok ni Mike habang inaakbayan naman siya ni Tito. Hindi ko maiwasang malungkot at maalala ang aking mga magulang.
Nasa office na kaya si Papa? Si Mama? Nasa hospital na ba siya, nagsasalba ng mga buhay na pinagkatiwala sa kanya?
"Siya nga pala, Lorenzo, Joshua (They winced at the use of their first names), magkaiba ang magiging silid niyo. Ikaw naman Elizabeth (I flinched), ibang silid ka, pero naka connect ito sa kuwarto ni Bianca."
Sumimangot ako. "Sino po ba si Bianca?"
Biglang bumukas ang pinto. Lumabas kaming lahat, at sumalubong sa amin ang isang bagong mundo.
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomanceNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.