Chapter 4- Galit sa Puso

60 1 0
                                    

5:20 AM. Gising at nakaligo na kami ni Kuya at ni Josh. Naka uniform na kami. Naka ayos na rin yung buhok ko. French braid courtesy of Kuya Enzo.

Bumaba na kami at parang nabuhayan ng loob si Josh nang makita niya ang breakfast spread namin. "Toast, omelette, ham!"

"Buti at nagustuhan mo yan, Sir Josh." Wika ni Manang Nelly na tumayo sa may gilid ng lamesa.

"Sus, basta ikaw magluto, lami jud na!" Ngumiti ako kay Manang at napa blush ko ang matanda. Marunong kasi akong mag bisaya dahil sa kanya. Bata pa kasi ako, tinuturuan niya na ako kaya klarong-klaro ang bisaya ko.

"Oh sige, kain na." Ngumiti si Manang sa amin at lumabas na siya.

Habang kumakain at nag didiscuss kami ni Josh tungkol sa bagong lesson namin sa Trigo, biglang pumasok si Mike. Naka bihis siya at presko pa.

"What in the name of-" Nganga kami ni Kuya.

"Don't look so shocked. Sasama ako sa inyo papunta sa school."

"Anong gagawin mo dun?" Wag sanang mag entrance exam ang shunga, dasal ko.

"Ano pa? Edi mag-eentrance exam."

My prayer was not answered.

"Hindi ka susurvive dun, Mike. Hindi uubra ang pagmumukha mo dun." Steady lang ang boses ni Josh, pero naririnig ko na pissed off na siya.

"So? I have my brain. Uubra 'to."

Nagalit na nang sukdulan si Kuya. "Bakit ka ba sunod nang sunod kay Liza? Anong gusto mo, ha?! Sundan mo siya palagi? Pwede ka namang magaral sa Ateneo ah!"

"Gusto kong makilala pa siya. Ikakasal na kami. And besides, hindi ka naman niya ka anu-ano. Why so bossy?"

Parang gusto nang hampasin ni Kuya si Mike. "Kapatid ko na siya kung ituring. I want her to be safe and protected. And I don't think you can do that, matapos mo siyang ihulog sa manhole at muntik na siyang mamatay."

"So? I just wanted to test her. She survived. Eto, buhay. Paki mo dun? I just want to see how strong is her will to live."

Test pala ha.

Sinampal ko siya nang malakas sa kaliwang pisngi niya. "Test?! You call that a test?! Muntik na akong mamatay dahil sa asphyxia, you bastard. Nawalan pa ako ng dugo dahil nabagok yung ulo ko sa semento ng kanal! Na coma ako for 2 weeks dahil may nag clot na dugo sa ulo ko! And you call that a fucking test!?"

Sinampal ko siya ulit.

Hindi siya maka paniwala sa narinig niya. "H-h-hindi yan totoo!"

"You want proof?! Here, have one!" Sigaw ko. Linapit ko sa kanya ang ulo ko at ipinakita ang 5 inch na stitch sa anit ko.

"My... God." Bulong niya.

"What's up with that infernal racket!?" Sigaw ng mga magulang ko. Pumasok sila sa dining room kasama ang mga parents ni Mike. Lahat sila naka night clothes at bathrobe.

"Good Lord..." Wika ni Tita Kristelle habang tinititigan kami ni Mike.

Nakatayo ako sa harap ni Mike. Tumutulo ang luha niya. Pula ang pisngi niya dahil sa sampal ko sa kanya. Yung buhok ko naman, parang dinaanan ng combined forces ni Sendong, Pablo, at Yolanda. Pula rin ang kamay ko dahil sa pagsampal ko sa lalaking nasa harap ko.

"Don't you dare step in my school, idiot. Don't you dare." I hissed on his ear.

Lumabas ako ng dining room na sinusundan ni Josh at Kuya.

Against My WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon