"Baby?"
"Mmmmmf."
"Baby."
"Ughhhh."
"Baby, tumayo ka na or else I'll tickle you." Pagbabanta ni Mike. Kahit na seryoso ang boses niya ay alam kong may nakatagong 'devilish mischief' sa likod nito.
"All right, I'm up." Umupo ako at sinuklayan ang aking buhok.
Hinalikan niya ako. "Good morning, beautiful."
"Yo." Sagot ko naman.
"Dress up, 'kay? Flight na natin in five hours." Tumayo siya at binuksan ang pinto patungo sa walk-in closet.
Napasimangot ako. Five hours? The hell?
"Hey, you like you've drank some sour milk." Pagbibiro ni Mike.
"Five hours." Malakas na malakas ang aking boses. "How come hindi ko alam na mangyayari ang shit na ito in five hours?!"
Tinitigan ako ni Mike, ang kanyang mukha punong-puno ng kalituhan at pagaalinlangan. "You didn't know?"
"No one told me." Sagot ko naman.
"Well, you gotta dress up or else male-late tayo sa flight."
Tumango na lang ako at kumuha ng jeans at sweater sa walk-in closet. Pumasok ako ng banyo upang magbihis. Nang lumabas na ako, nakita ko si Mike na nakabihis na rin. Malalaking maleta ang pumapalibot sa kanya.
"Wow." Hindi ko maiwasang magulat sa dami ng aming dadalhin sa Amerika.
Mike shrugged. "Practically half our clothes are coming with us."
Dito na ako nanghinala. "'Bat ang dami?"
"Honestly, hindi ko alam." Napabuntong-hininga si Mike. "At saka, yung Mama ko ang pumili ng susuotin natin sa U.S. For all I know, baka doon na tayo titira."
Hindi ko maiwasang mag sign of the cross nang sabihin niya yun.
May kumatok si pinto at bumukas nito. Nakita ko si Manang Nelly. "Sir Mike, pinapatawag na kayo ng mama niyo."
"Okay. Sige. Makakaalis ka na Nelly." Sagot naman ni Mike.
Tumango si Manang at aalis na sana nangbigla ko siyang niyakap. "Manang."
Naramdaman ko ang kanyang mga kamay sa aking likuran. "Hija."
"Thank you po ha, sa lahat." Bulong ko.
"Wala iyon, anak." Tiningnan ako ni Manang at ngumiti. "Pakabait ka ha? Saka palakihin mo yang anak mo nang maayos ha?"
Sa kabila ng mga luha ay ngumiti ako at tumango. "Opo."
Umalis si Manang Nelly at bumaba ng hagdan. Naramdaman ko naman ang kamay ni Mike sa aking bewang. "C'mon, let's go."
Bumaba kaming dalawa sa hagdan. Sinalubong naman kami ng aming mga ina.
Hinila ni Tita si Mike papalayo sa akin. Nagusap sila ng masinsinan. Nagkatinginan naman kami ni Mama.
"Look at you." Mahinang-mahina ang boses niya na halos di ko na siya marinig. "Such a grown young woman already. Parang kailan lang ang liit mo pa! Tas ang likot mo pa nun."
I offered her a sad smile. "Ma..."
"Alam kong magiging mabuting ina ka sa magiging anak niyo ni Mike. At saka huwag mong kalimutan na maging mapagmahal na asawa ha, anak?" Tumalikod si Mama at pinunasan ang kanyang mga luha.
Nakita ko na noon na umiyak si Mama. Pero iba na ito ngayon. Para siyang nagpapaalam sa akin. Kinabahan na ako. Isa na ba itong premonisyon?
Susundan ko na sana siya nang biglang lumapit si Tita Kristelle at si Mike. Natetense ang fianceè ko. May nangyari kaya?
BINABASA MO ANG
Against My Will
RomansNang pumunta na siya ng U.S., akala ko hindi na kami magkikita pa. Na magkakalimutan na lang kami. Pero nagkamali ako. Bumalik siya. At magsisimula na ang isang impyerno ng buhay ko.